Home>Entertainment>Showbiz>Celebrities na naapektuhan ni Ulysses

Celebrities na naapektuhan ni Ulysses

Vice Ganda and Ion Perez

HINDI naligtas sina Vice Ganda at Ion Perez sa hagupit ng bagyong Ulysses dahil nagbabakasyon ang dalawa sa Balesin Island sa Quezon province nang manalasa ang bagyong Ulysses noong November 12.

Samantala, sa Marikina, muling pinatunayan ng mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones ang pagiging hero sa panahon ng kalamidad at nagamit nila ang husay nila sa pagsa-surf na siya nilang ginamit sa pagtulong sa pagsagip ng mga taong biktima ng baha.

May mga celebrity din na nakatira sa mga apektadong lugar tulad ng Provident Village sa Marikina, Town and Country sa Lower Antipolo at maging sa aming lugar sa Village East sa Cainta.

Labis-labis ang pagdurusang nararanasan ngayon ng marami sa ating mga kababayan laluna na yung mga walang-wala. Bukod sa nasira ang kanilang mga kabahayan, gayundin ang kanilang iba’t ibang kabuhayan may panganib pa ng coronavirus (Covid-19). Ito ang panahon na kailangan nating mag-reflect at maging matibay ang kapit sa Panginoon.

Janella at Markus wala pang ipinakikitang baby photos

Janella Salvador
Janella Salvador

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nagsi-share ng photos ang young Kapamilya singer-actress na si Janella Salvador sa first baby nila ng kanyang nobyo, ang Fil-British singer-actor na si Markus Paterson.

Si Janella ay nakatakda umanong magsilang sa kanilang first baby ni Markus nung nakaraang buwan, October. Ito rin ang dahilan ng agarang paglipad patungong London ng ina ni Janella, ang singer-actress na si Jenine Desiderio kasama ang nakababatang kapatid ni Janella.

Adoptive daughter nina Juday at Ryan dalaga na

Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos and Yohan Santos Agoncillo.
Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos, Yohan Santos Agoncillo, Lucho and Luna

SIXTEEN years old na ang adoptive daughter ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Yohan Santos Agoncillo.

Dalaga pa noon si Juday nang ampunin nito si Yohan. Nang maging mag-asawa sina Juday at Ryan ay in-adopt din ng huli ang bata kaya official na rin itong Agoncillo along with their two biological children na sina Lucho (10) at Luna (4). Mahal na mahal nina Juday at Ryan ang kanilang panganay na si Yohan na in two two years’ time ay isa nang ganap na dalaga.

Si Yohan ay binigyan ng isang intimate surprise birthday party recently ng mag-asawang Juday at Ryan kaya naging emotional ito sa tuwa.

Kasal nina Angel at Neil naantala na naman

Angel Locsin and Neil Arce
Angel Locsin and Neil Arce

KUNG hindi lamang sa pandemya, isa nang ganap na Mr. ang Mrs. ang engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce. Ang dalawa ay nakatakdang ikasal nung nakaraang November 8 pero ito’y naurong to a much later date, most likely next year. Pero kung gugustuhin ng dalawa puwede naman muna sila magpa-civil wedding at saka na ang kanilang big church wedding.

Speaking of Angel, muli itong nagpaabot ng tulong sa mga taong sinalanta ng sunud-sunod na bagyo. Likas na kay Angel ang pagiging pilantropo.

Myrtle at producer nabibigyan ng ibang kulay ang closeness

Myrtle Sarrosa
Myrtle Sarrosa

NABIBIGYAN ng ibang kahulugan ang pagiging extra close ngayon ng ex-PBB Big winner-turned singer-actress at celebrity endorser na si Myrtle Sarrosa sa controversial celebrity lawyer na si Atty. Ferdie Topacio. Obvious kasing paborito ngayon ni Atty. Topacio ang singer-actress at cosplayer dahil bukod sa kasama si Myrtle sa “Mamasapano” debut movie bilang movie producer ni Atty. Topacio, ay ipagpu-produce din ito ng de kalibreng abgado ng virtual concert sa darating na November 28 na pinamagatang “Myrtle: Still Love Me”.

Ang digital tickets ay mabibili sa halagang P600 lamang at puwedeng mapanood ng mga kaibigan at fans ni Myrtle all over the world.

Ayon sa bagong movie at concert producer na si Atty. Topacio, ang staging ng concert ay gaganapin sa Teatrino in Greenhills, San Juan na kumpleto ng band, back-up singers and back-up dancers tulad ng isang live concert. Ang kaibahan lamang ay wala itong audience at virtual itong mapapanood.

Originally, ang concert ni Myrtle ay naka-sched nung nakaraang May but was moved to a later date dahil sa pandemya.

Samantala, thankful naman ang bagong Kapuso artist sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Atty. Topacio laluna sa sitwasyon ngayon.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger