Home>Entertainment>Showbiz>Celebrities na naging biktima ni Ulysses

Celebrities na naging biktima ni Ulysses

MARAMING celebrities ang pinasok ng tubig ang kanilang kabahayan dahil sa ulan at baha dala ng super typhoon Ulysses na nanalasa hindi lamang sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila nung nakaraang November 12 kundi maging ang iba’t iba pang lugar ng Pilipinas leaving a lot of people homeless at marami rin ang nasawi bukod pa sa mga nasirang inprastraktura.

Super typhoon Ulysses remind us of typhoon Ondoy (Typhoon Ketsana) in September 2009 kung saan umabot ng mahigit 700 ang nasawi at umabot naman ng mahigit P50-B ang damages.

Ilan sa mga celebrities na naapektuhan ng bagyong Ulysses ay ang Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga, ang aktres na si Nadia Montenegro at ang kanyang mga anak, ang mag-asawang Pancho Magno at Max Collins, William Martinez at iba pa.

Mataas ang bahay na parents ni John Prats sa Village East Executive Homes, Cainta kaya hindi ito inabot ng mataas baha sa kanilang harapan.

Walang second floor ang bungalow old house na tinitirahan ni Nadia and her children along Marcos Highway (sa border ng Cainta at Antipolo City) kaya mabilis na pumasok ang tubig sa kanilang bahay nang bumigay ang wall ng creek sa likuran ng kanilang bahay na umabot hanggang beywang. Walang na-save na mga gamit si Nadia including their cars sa labas ng kanilang gate pero na-rescue siya at ang kanyang mga anak.

Ipinagpapasalamat ni Nadia na buhay sila ng kanyang mga anak at nagpapasalamat siya sa mga taong tumulong sa kanila. Nang bumalik si Nadia sa kanilang bahay ay nakita niyang nagsilutangan ang iba niyang mga gamit habang babad naman sa tubig ang iba pa. Naiyak na lamang siya sa tumambad sa kanya pero lalo lamang lumakas ang kanyang pananampalataya sa Diyos. Alam niyang magsisimula siyang muli pero tiyak na siya’y makakabangon kasama ang kanyang pamilya.

Mga celebrity ba tumulong

SAMANTALA, naging bahagi naman ng rescue team ang panganay na anak ng singer-actress na si Jean Garcia at misis ng actor na si Alwyn Uytingco na si Jennica Garcia-Uytingco. Tumulong din sa rescue sa sarili nilang pamamaraan ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones-Rosales using their surf boards. Nagbigay naman ng rescue boats ang Viva singer-actress at vlogger na si Donnalyn Bartolome sa Marikina at Cainta, Rizal. Habang ang ibang celebrities ay nagpaabot din ng tulong on their own.

DOTS.PH nasa watchlist ba ng Netflix

MASAYANG-masaya ang bumubuo ng cast ng local adaptation ng South Korean TV series na “Descendants of the Sun” na pinangungunahan nina Dingdong Avanzado at Jennylyn Mercado kasama sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith mula sa direksiyon ni Dominic Zapata na kasama na sa watchlist this week ang nasabing serye (first 30 episodes) na nagsimula last Friday, November 13 sa popular video streaming service, ang Netflix. Ang mga bagong episodes ay mapapanood every Friday hanggang January 2021.

Ang “Descendants of the Sun” (Philippine version) ay naghatid ng karangalan sa mister ni Marian Rivera na si Dingdong ng Asian Star Prize at ika-15th Seoul International Drama Awards na ginanap sa South Korea last September dahil sa kanyang pagganap as Capt. Lucas Manalo o “Big Boss” sa local adaptation ng TV series.

The 40-year-old award-winning TV and movie actor will be celebrating his and wife Marian Rivera’s 6th wedding anniversary come December 30. Ang couple ay ikinasal nung December 30, 2014 matapos ang dalawang magkahiwalay na proposal, una nung August 2012 sa Macau at pangalawa sa dance show na “Marian” nung August 9, 2014.

Minzy may kuneksyon na sa Pilipinas

TIYAK na matutuwa ang mga Filipino fans ng 26-year-old South Korean K-Pop star na si Minzy (Gong Min-ji in real life), dating member ng all-girls K-pop group na 2NE1, ang grupong pinagmulan din ni Sandara Park (na nagsimula ang career sa Pilipinas) at dalawa pang miyembro na si Park Bom at Cl.

Si Minzy ay umalis sa 2NE1 in April 2016 para mag-solo.

As a kid ay mahilig na si Minzy magsasali sa iba’t ibang dance competitions at madalas siyang manalo at makapag-uwi ng award. She was the youngest member ng 2NE1 being 15 at that time.

Nung May 24, 2020 ay inilabas ang kanyang “Lovely” song as an independent artist at nung nakaraang Oktubre ay itinatag niya ang kanyang sariling MZ Entertainment company.

Ang kanyang MZ Entertainment at Open Door Artist Management ay nakipag-alyansa sa Viva Artists Management (VAA) making her the very first South Korean star to be part of the growing roster of stars and talent ng Viva. May posibilidad ding makagawa siya ng pelikula sa Pilipinas opposite local leading men.

Come November 20 ay nakatakdang i-launch ng Viva ang kanyang Tagalog version ng “Lovely”.

Dapat sana’y darating ng Pilipinas si Minzy pero ito’y mababalam dahil sa pandemya.

Willie nagbenta ng mamahaling kotse para makatulong

IBINENTA ng game show host-producer na si Willie Revillame ang isa sa mamahalin niyang sasakyan na nagkakahalaga ng P7-M at ang pinagbentahan nito ay dinagdagan niya ng P3-M bilang pantulong niya sa bayan ng Montalban, Rizal at Marikina City na pareho niyang bibigyan ng tig-P5-M each.

Isa si Willie sa hindi nagkakait ng tulong sa mga taong nangangailangan laluna na ang mga sinalanta ng bagyong Ulysses.

Panganganak ni Janella ayaw pang kumpirmahin

MAY balitang lumabas na nakapagsilang na umano ang Kapamilya young star na si Janella Salvador ng first baby nila ng nobyong Fil-British singer-actor na si Markus Paterson last month pero ayaw pa itong kumpirmahin at i-share ng dalawa gayundin ang ina ni Janella, ang singer-actress na si Jenine Desiderio na lumipad patungong United Kingdom last September 10 with her younger son na si Russell para damayan at alalayan ang anak. Sa U.K. na rin nag-celebrate ng kanyang golden (50th) birthday si Jenine kung saan kasama din nila ang British dad ni Markus na si George Trevor Paterson isang retired British Air Force pilot.

For now, hindi pa siguro handa sina Janella at Markus maging ni Jenine na i-share ang first baby nila sa netizens. Ang young couple ay parehong 22 years old pa lamang.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger