Celebs bashed for helping

January 19, 2020
Angel Locsin

NANGUNGUNA ang aktres na si Angel Locsin sa mga celebrity na tumutulong sa mga naapektuhan sa pagputok ng Taal Volcano.

Consistent siya sa kanyang pagtulong sa tuwing may kalamidad. Hindi lamang siya super heroine bilang Darna sa pelikula kundi sa totoong buhay. Walang duda na mula sa puso ang kanyang pagtulong sa mga kababayan. Bagay nga siyang maging Secretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), gaya ng suggestion ng singer-actress na si Agot Isidro. Why not?

Bukod kay Angel, maagap din sa pagtulong ang dalawang host ng Magandang Buhay na sina Karla Estrada at Melai Cantiveros. Hindi rin nagpahuli ang aktor na si Matteo Guidecelli, kasama ang ilang miyembro ng Philippine Army, na una nang nagdala ng relief goods sa mga apektadong lugar. Maging ang multi-award winning composer na si Vehnee Saturno ay nag-organisa rin ng isang fund-raising concert - Tulong Taal  - na gaganapin sa Cuneta Astrodome ngayong February 1. At siyempre, hindi magpapahuli ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa paglingap sa kanyang mga kababayan. Bukod sa dating Governor ng Batangas, responsibilidad din niya na tulungan ang kanyang mga kababayan; lalo na ang kanyang mga ka-distrito bilang Congresswoman ng 6th District ng probinsiya.  

As of this writing, a number of celebrities like Angeline Quinto, Nadine Lustre, Jennica Garcia, Jason Francisco; among others, have already extended their help to the calamity victims in Batangas. Pero sa kabila ng kanilang pagtulong, may mga ilan pang bumabatikos sa kanila. Na "for publicity" lang daw ang kanilang pagtulong. Kaya siguro yung ibang celebrities, palihim na lang ang ginagawang pagtulong. Pero 'di pa rin nakakaligtas sa mga netizen ang pananahimik ng ibang celebrities gaya nina Alex Gonzaga at Alden Richards. Hindi raw sila nagsasagawa ng relief operations, batikos ng mga netizen sa kanila.  

Kung puro pintas ang ibang netizens, aktibo naman sa pagtulong ang mga fans ni Sarah Geronimo. Sa katunayan, isang dance flash mob - aptly titled, Tala sa Taal - ang ginawa nila sa Luneta noong Sabado, January 18.  

Ang tanong, masama ba talagang i-post ng mga celebrity sa social media ang ginagawang pagtulong? Just asking...

Disclaimer:
For comments and reactions, call or text 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com