Home>Entertainment>Showbiz>Pinoy celebrities na pasok sa Forbes Asia list

Pinoy celebrities na pasok sa Forbes Asia list

Angel Locsin Forbes Asia
Angel Locsin

PASOK ang ilang popular Filipino celebrities sa Forbes Asia’s inaugural 100 Digital Stars list mula sa buong Asia-Pacific region bilang most influential celebrities on social media at ang mga ito ay kinabibilangan nina Angel Locsin, Vice Ganda, Anne Curtis, Sarah Geronimo, Kathryn Bernardo, Kim Chiu at Marian Rivera.

Leading naman sa listahan ang South Korea na kinabibilangan ng BTS, Blackpink, Twice, Lee Min-ho, Exo, Red Velvet, Kam Joo-hyuh, Seventeen,HyunA, Park Sun-hye, Bae Suzy, Sunmi, Kim So-hyun, Lee Dong, Iu, Krystal Jung, Ji Chang-wook at Lee Sung-kyung. Kasama rin ito ng ibang stars mula sa iba’t ibang bansa ng Asia-Pacific region tulad nina Hugh Jackman at Keith Urban ng Australia,

Jackson Yee from China, Mario Maurer from Thailand, Amitabh Backchan mula sa India, Chi Pu ng Vietnam, Jay Chou ng Taiwan, Kento Yamazaki from Japan, Siti Murhaliza from Malaysia, Eason Chan from Singapore, Rich Brian from Indonesia, KJ Apa from New Zealand, Maria Khan from Pakistan, SaiSai Khan from Myanmar, Jacqueline Fernandez from Shi Lanka at maraming iba pa.

Pangalawang beses na rin ito for actress and philanthropist na si Angel Locsin na napasama ang kanyang pangalan sa Forbes Asia. Nauna rito ang pagkakasama niya sa Forbes Asia’s One of the Heroes of Philanthrophy in December last year.

Nung nakaraang November naman ay kaisa-isang Filipino celebrity ang actress-singer at celebrity endorser na si Heart Evangelista sa napabilang sa listahan ng World’s Top Luxury Influencer sa Forbes France.

Dingdong sobrang proud kay Marian

Marian Rivera Dantes
Marian Rivera Dantes

VERY proud ang tinaguriang Primetime King, actor, celebrity endorser and entrepreneur na si Dingdong Dantes (40) sa kanyang wife (of almost 6 years) na si Marian Rivera dahil bukod sa pagkakasama ng pangalan nito sa listahan ng Forbes Asia’s 100 Digital Stars, nag-expand na rin ang Flora Vida by Marian business nito by launching her Flora Vida Home Collection na kinabibilangan ng lamps, pillow cases, placemats, coasters, table runner, drawstring pouches, memo boards at iba pa na siya rin mismo ang nag-design at nag-curate.

Very hands-on si Marian sa kanyang flower arrangements sa kanya Flora Vida by Marian business, ganundin sa kanyang bagong home product collection.

Sa kabila ng pagiging abala sa kanyang itinayong business at pagiging actress, priority pa rin kay Marian ang kanyang obligasyon bilang wife to Dingdong at ina sa kanilang dalawang anak na sina Zia at Ziggy.

Dahil sa lock-in requirement sa tapings at shootings ngayon, nag-beg off ang actress sa “First Yaya” kung saan sana niya katambal ang dating matinee idol na si Gabby Concepcion. Pinalitan siya ni Sanya Lopez.

Birthday at house blessing ni Derek masaya pa rin

MASAYA pa rin ang naging selebrasyon ng athlete-turned actor and celebrity endorser na si Derek Ramsay sa kanyang 44th birthday last Monday, December 7 kahit wala na sila ng kanyang girlfriend of more than one year na si Andrea Torres.

Itinaon niya ito sa blessing ng kanyang ipinagawang bahay sa may bandang South kung saan naging regular fixture si Andrea before their break-up.

Ito ang post ni Derek sa kanyang Facebook account last Tuesday, December 8: “2020 has been a tough year for all of us. Now the year is almost over, we should take everything we have learned and move forward to 2021. Yesterday (Dec. 7) was my birthday and the blessing of my new home. On this special day I was surrounded by so much love from friends, family and God. All the love and support has made me realize that I can face any obstacle that comes my way. To everyone there yesterday, thank you so much for your friendship and love. To those who messaged me, I want to say that I appreciate you all so much. Another year in the books and a new one to look forward to with hope (heart emoji).”

Derek’s 16-year-old son (sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly) na si Austin stays with him.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring bagong TV project ang actor sa Kapuso Network after his first TV assignment with the network nung isang taon, ang “The Better Woman” na pinagtambalan nila ni Andrea at kung saan nabuo ang kanilang relasyon.

Dennis at Julia ‘di sinasadya ang pagkikita

BIHIRANG makita ng komedyanteng si Dennis Padilla ang kanyang tatlong anak sa kanyang ex second wife na si Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia at Leon pero kamakailan lamang ay nagkita by chance ang mag-amang Dennis at Julia na sobrang ikinatuwa ng una.

Kahit matagal nang hiwalay si Dennis kay Marjorie, gusto pa rin niyang ma-maintain ang kanyang relasyon bilang ama sa kanilang mga anak.

Kung gugustuhin ng Viva ay posibleng magkasama sa isang movie or TV project ang mag-amang Dennis at Julia dahil pareho silang contract star ng Viva.

Si Dennis ay busy ngayon sa pagpu-promote ng kanyang upcoming Metro Manila Film Festival movie, ang “Pakboys Takusa” kung saan niya kasama sina Janno Gibbs, Andrew E. at Jerald Napoles na dinirek ng actor-director na si Al Tantay under Viva Films.

Albee bayani ang turing ng maraming dating Kapamilya

 Albee Benitez and Maja Salvador
Albee Benitez and Maja Salvador

THANKFUL ang maraming Kapamilya stars, talents and former Kapamilya employees sa businessman at producer na si Albee Benitez dahil marami sa kanila ang nabigyan nito ng trabaho.

Ang dating kongresista ng ikatlong distrito ng Negros Occidental ang pinaka-aggressive TV and movie producer ngayon under his own Brightlight Productions.

First produced movie ng Brightlight Production ang joint production nila ng Gallaga Films ng yumaong filmmaker na si Peque Gallaga, ang fantasy-adventure film na “Magikland” na tinatampukan nina Miggs Cuaderno, Josh Eugenio, Elijah Alejo at Princess Aguilar mula sa direksiyon ni Christian Acuna. Ang nasabing pelikula ay isa sa sampung official entries ng 2020 Metro Manila Film Festival na gagawing online simula sa araw ng Pasko, December 25.

Pagdating naman sa TV production, anim na magkakahiwalay na programa ang halos sabay-sabay niyang sinimulan last October at ang mga ito ay ang ang Sunday musical variety show na “Sunday Noontime Live,”ang drama series “I Got You,” ang Sunday gag show na “Sunday Kada,” ang daily noontime show na

“Lunch Out Loud,” ang weekly magazine show na

“Rated Korina” at ang weekly sitcom na “Oh My Dad”.

To a lot of industry people ay parang isang bayani ang dating sa kanila ng bagong producer na nagbigay ng trabaho sa gitna ng pandemya.

Si Albee ang ama ng young Kapamilya actor Javi Benitez, ang nobyo ng Kapamilya actress na si Sue Ramirez.

Subscribe to my YouTube channel “TicTalk with Aster Amoyo” and follow me on Instagram (@asteramoyo), Facebook (@asteramoyopage) and Twitter (@Aster_Amoyo).

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger