Charo hirap pantayan ang sarling achievement

April 21, 2019
Charo Santos

CHARO Santos enjoys her retirement to the max.

Aktibo ngayon ang dating president and CEO ng ABS-CBN sa kaniyang acting career. Bago pa man maging executive ng network, isang magaling na aktres na itong si Charo. Matter of factly, she has a Best Asian Actress award tucked under her belt. Mula ito sa Asian Film Festival 1977 para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Itim ni Mike de Leon.

Now that she is focused on her passion projects, Charo is more motivated to doing more movies. Lalo na’t kumita ang pelikula nila ni Bea Alonzo na “Eerie.” Pero mukhang mahihirapan siya sa pagpili ng mga role na babagay sa kaniya. Hindi bagay sa kaniya ang mga inaaping karakter. Sa height at tindig pa lang niya, mahirap paniwalaan na siya ang inaapi. Aminin o hindi, mas nangingibabaw ang kaniyang pagiging lady boss. Mas kilala siya sa pagiging boss na kinatatakutan at nirerespeto ng mga artista sa Kapamilya network. She is still the network’s Chief Content Officer, after all. Her contributions to the growth and development of the network are unparralled. To this date, she is still one of the most influential women in the country’s media industry. And to her credit, Charo hosts “Maalaala Mo Kaya”, the longest-running televidion drama anthology in Asia.

Sa pelikulang Eerie, mahusay ang pagkakaganap niya bilang Sor Alice. Wala naman question dito pero ‘yun nga lang parang ang hirap niyang i-internalize yung character. Akting na akting kasi ang kanyang dating. Iba pa rin ‘yung tinatawag nilang “you get into the character” attack sa pag-arte. Maybe, her persona as CEO overshadows Charo as actress. After Eerie, what’s next? Sa totoo lang, mahirap pantayan ang success nito. Kaya dapat markado ang susunod niyang karakter sa pelikula.

Mukhang mas bagay siyang maging kontrabida. At kung magku-kontrabida na rin lang siya, mas maganda kung magiging tinik siya sa karakter ni Nora Aunor sa pelikula na kanilang pagsasamahan. Kilala naman siya bilang Noranian. Kung may producer na pagsasamahin sila sa isang pelikula, papayag ba si Charo na maging kontrabida kay Ate Guy? Just asking...

Disclaimer:
Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa column na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com