Home>Entertainment>Showbiz>Chef Jose wala nang tumitikim sa luto

Chef Jose wala nang tumitikim sa luto

Jose Sarasola
Chef Jose Sarasola

PARA sa Kapuso chef na si Jose Sarasola, dream come true ang mapabilang sa isang cooking show. Itinuturing niya itong magandang blessing sa pagpasok ng taong 2021.

Kasama si Iya Villania, parte si Chef Jose ng bagong cooking show ng GMA Network na ‘Eat Well, Live Well. Stay Well.’ Sa press conference ng programa, ibinahagi ni Chef Jose kung gaano siya ka-thankful para sa mga natatanggap na opportunity bilang Kapuso, “It’s been really a whirlwind year for me. Moving to the GMA family really opened a lot of doors for me. Nag-start siya sa ‘Unang Hirit,’ which I am still doing up to this day pa rin. Other brands have been coming in.”

Nakakatuwa na nakasama na pala ni Chef Jose, called Chef Cuz in the show, si Iya (Mamazing Iya) sa isa ring cooking show sa ABS-CBN years back. Hindi ito matandaan ni Iya, pero nang ipaalala ni Chef Jose ang nangyari, bigla rin itong bumalik sa alaala ni Iya.

Samanta, inamin ni Chef Jose na mag-isa lang siyang namumuhay ngayon matapos bumalik ng Japan ang kanyang girlfriend, ang sikat na dating adult film star na si Maria Ozawa. “May bars siya roon na kailangan niyang i-maintain,” paliwanag ni Chef Jose. “May bars din siya rito sa Pilipinas, sa The Fort, but nag-close down because of the pandemic. We get to talk naman everyday through the internet. So, okay pa rin kami.”

Sayang lang ang mga niluluto niya dahil walang ibang tumitikim.

Mapapanood ang Eat Well, Live Well. Stay Well. simula ngayong Biyernes, 11:20 a.m., sa GMA Network.

Kim gusto ring magkaroon ng sariling kanta

Kim De Leon
Kim De Leon

NGAYONG 2021, patuloy ang StarStruck Season 7 Ultimate Male Survivor na si

sa pag-abot pa ng kaniyang mga pangarap. Isa raw sa goals niya this year ang makapag-release ng sarili niyang kanta at masimulan ang music career.

Nang makapanayam siya ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Kim na matagal na rin niyang pinapangarap ang pasukin ang music industry, “I’ve always wanted to produce or have a song, ‘yung magkaroon ako ng sariling single lang. Sana magawa ko ngayon or next year.”

Abala naman ngayon si Kim sa regular na pagpe-perform niya sa weekend variety program na ‘All-Out Sundays’ at parte rin siya ng “The Cray Crew” ang vlog-style online show na mapapanood sa YouTube comedy channel ng GMA Network na YouLOL tuwing Huwebes. Dito naman makikita ang zany side ni Kim, kasama ang iba pang Starstruck boys na sina Abdul Rahman, Radson Flores at Allen Ansay.

Tatlong maleta, ilang storage boxes dala ni Ken sa lock-in taping

Ken Chan
Ken Chan

HANDA na ang Kapuso actor na si Ken Chan sa unang cycle ng lock-in taping ng pagbibidahang Kapuso series na ‘Ang Dalawang Ikaw.’

Sa Instagram story ng aktor kahapon, ibinahagi ni Ken ang taping essentials na dadalhin niya. Makikita rito ang storage boxes na may lamang pagkain at toiletries, pati na rin ang tatlong maleta para sa kanyang mga damit.

Ani Ken, siya mismo ang nag-ayos ng kanyang mga gamit na dadalhin sa lock-in taping, at “excited” at “looking forward” na raw siya rito.

Bukod sa paghahanda ng kanyang taping essentials, lubos ding pinaghahandaan ni Ken ang kanyang role bilang si Nelson, isang lalaking may dissociative identity disorder o DID.

Makakatambal ni Ken sa Ang Dalawang Ikaw si Rita Daniela kaya excited na naman ang RitKen fans.

Danish singer-songwriter na si Maximillian na-impress sa Kapuso singer

HINDI makapaniwala ang Kapuso singer na si Jong Madaliday na napansin siya ng Danish singer-songwriter na si Maximillian.

Ito ay matapos awitin ni Jong sa mga babaeng nakikilala niya sa online chat website na Omegle para sa isang vlog ang hit song ng foreign singer na “Beautiful Scars.”

Sobrang na-impress si Maximillian na nag-post sa Facebook post ng The Clash alumnus, “Thanks for singing my song.”

Makikita sa nasabing vlog na humanga sa magandang boses ni Jong ang random foreign girls na kanyang hinarana.

Sa ngayon, mayroon ng mahigit one million views ang nakakaaliw na vlog sa Facebook page ni Jong. Mapapanood din ito sa YouTube channel ni Jong.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal