Chokoleit namaalam na rin

March 10, 2019
Chokoleit

ILANG araw lang matapos mamaalam ang ilang showbiz personalities tulad ng Philippine Jazz Queen na si Annie Brazil, ang kilalang alalay (lalo na sa Star for all Seasons na si Cong. Vilma Santos) at nag-artista ring si Marie Barbecui, assistant director na si Allan Noble at assistant director at komedyante ring si Romeo 'Boyong' Baytion, sumunod naman ang mahusay na komedyanteng si Chokoleit sa edad na 46 noong Sabado ng gabi.

Hindi na siya umabot sa kanyang ika-47th birthday sa darating na June 25. Nanikip umano ang paghinga ni Chokeleit matapos itong magtanghal sa Abrenian Kawayan Festival 2019 na ginanap sa Abra Sports Complex ng Bangued,  Abra na tinampukan din ng ibang mga kilalang personalidad tulad nina Pops Fernandez, Paulo Avelino, JM de Guzman, Coleen Garcia, Enchong Dee, Ryza Cenon at ang The Juans Band.

Agad umanong isinugod si Chokeleit sa Abra Provincial Hospital where he was declared dead by the doctors.  Kinabukasan ng umaga, araw ng linggo ay  iniluwas ng Maynila ang mga labi ni Chokoleit.

Ang burol ay sa Paket Santiago Funeral Homes ng #13 Brgy. Mayamot, Marcos Highway, Antipolo City sa Rizal.

Si  Chokoleit ay huling napanood sa afternoon TV series na “Asintado” nung nakaraang taon.  Nakilala nang husto ang komedyante nang gampanan niya ang papel na Pearly Shell sa TV series na “Marina” na pinagbidahan ni Claudine Barreto in 2004.  Napasama rin siya sa teleseryeng “Kampanerang Kuba” na tinampukan ni Anne Curtis in 2006, “Aryana” ni Ella Cruz in 2012 iba pa.

Nakagawa rin si Chokoleit ng ilang pelikula tulad ng “Sa Paraiso ni Efren” in 2005, “Kapag Tumibok ang Puso: Not Once But Twice” at “Zsa Zsa Zaturnack Ze Moveeh” in 2009, “Ligaw na Bulaklak,” “Pasukob” at “Love Spell” in 2010.  Napasama rin siya sa mga pelikulang “One Night Only,” “Ang Tanging Ina N’yong Lahat,” “Volta,”  “BFF (Best Friends Forever)” at ang “Shake, Rattle & Roll XIV: T he Invation” in 2011.

Last movie naman niya ang “Etiquette for Mistresses” in 2016.  Nakapag-guest din siya sa ilang programa sa telebisyon tulad ng “Home Sweetie Home” in 2017 at “Dear Uge” in 2016 at iba pa.

Nung nabubuhay pa si Chokoleit ay naging viral sa social media ang kanyang torrid kissing scene with a non-showbiz guy.

Bago nag-showbiz, sandaling namasukan si Chokeleit sa Ricky Reyes Hair Salon na pag-aari ng beauty czar, TV host and philanthropist na si Mader Ricky Reyes.

Samantala, agad namang nagpaapot ng kanilang  pagkabigla at pakikiramay ang mga kaibigan at mga kasamahan ni Chokoleit sa industriya na pinangunahan nina Vice Ganda, Gary valenciano, Ai-Ai de las Alas at Pokwang.