Christian handa nang magka-baby

January 23, 2020

INAMIN sa amin ng singer-actor na si Christian Bautista na handa na umano sila ng kanyang wife na si Kat Ramnani-Bautista na magkaroon ng baby kung ito’y ipagkakaloob sa kanila ng Diyos.  The couple got married in Bali, Indonesia nung November 17, 2018 but it was only last December 2019 nang matuloy ang kanilang much-delayed three-week honeymoon in South Africa dahil sa kanilang  respective schedules.

“It was worth the wait. We had a great time in South Africa,” pagtatapat ni Christian na may upcoming concert on February 1, 2020 at 8 p.m. na pinamagatang “1 for 3” at The Theatre at Solaire na pinagsasamahan nila nina Mark Bautista at Aicelle Santos with Paolo Valenciano at the helm.

Mark composed a song na pinamatang “Simula” na magkasamang kinanta nina Christian at Aicelle at kakantahin din nila ito during their February 1 concert.  Ang music video ng nasabing awitin ay nakatakdang idirek ni Mark mismo.

Silang tatlo nina Mark at Aicelle ay pawang mga produkto ng iba’t ibang singing competitions on TV.  

Sina Christian at Aicelle ay parehong nagong contestant ng “Star In A Million” on ABS-CBN with Christian taking the 4th place.  Hindi man nanalo si Aicelle ay siya naman ang tinanghal na   2nd  grand winner ng  Pinoy Pop Superstar ng GMA in 2006 habang si Mark naman ang pumangalawa kay Sarah Geronimo noong 2003 sa “Search for A Star”.