Christian at Rachel Anne close pa rin kahit may mga asawa na

November 20, 2018
Rachel Anne Go
Rachel Anne

NAKASUOT ng Indonesian costume ang misis na ngayon ng singer-actor na si Christian Bautista na si Kat Ramnani sa welcome dinner for their guests na ginanap sa Thirtha Bridal in Bali, Indonesia last Friday evening before their wedding the following day, November 17.

Bukod sa kanilang respective families, dumalo rin sa kasal ng dalawa ang malalapit nilang kaibigan in and out of showbiz.

Si Christian ay isang kilalang singer-performer and recording artist sa Indonesia, isa sa mga paboritong lugar in Asia ng singer-actor.  Ito marahil ang dahilan kung bakit sa Indonesia sila nagpakasal.

Last April 2018 ay ikinasal sa Boracay (bago ito nagsara for 6 months) ang ex-girlfriend ni Christian, ang singer-actress and now West End and Broadway star na si Rachelle Ann Go sa kanyang American husband na si Martin Spies.      

Sa kabila ng paghihiwalay nina Christian at Rachelle Ann ay nanatili silang magkaibigan along with their other common friends na sina Sarah Geronimo, Erik Santos, Mark Bautista at iba pa.

Sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na kaya ang susunod na magpapakasal?