Christmas video ni Jolo, nakaka-touch

December 26, 2018
Bong Revilla Jr.

Ramdam na ramdam ang labis na kasiyahan sa pamilya Revilla ngayong Kapaskuhan dahil first Christmas nila na nakalaya na si former Sen. Bong Revilla pagkatapos ng mahigit apat na taon na pagkaka-detain sa PNP Custodial Center.

Finally, after four years ay nag-Pasko na ang pamilya sa kanilang bahay at hindi sa loob ng kulungan.

Nakaka-touch ang video na ipinost ni Jolo Revilla sa kanyang IG story kung saan ay makikitang sama-sama sila ngayong Pasko.

May video rin na tila kina-carolling nila si former Senator Ramon Revilla Sr. sa ospital at kinakantahan ng Christmas songs.

Nag-post din si Jolo ng larawan ng buong pamilya nila at sa caption, aniya, “Maligayang Pasko sa inyong lahat! Matapos ang nakalipas na 4 na Pasko, kumpleto ang aming pamilya na sasalubungin ang Kapaskuhan ngayong gabi.”