Chuckie may pinatutunayan

May 10, 2019
Chuckie Antonio

KAHANGA-HANGA ang naging calling ng dating showbiz wannabe na si Chuckie Antonio.

Matapos niyang subukan ang showbiz, nagsimula siyang pasukin ang public service na pakiramdam niya ay tunay niyang passion. Bagama't masasabing may future talaga bilang artista o TV host (good looking at may taas na 5'10"), minabuti ni Chuckie na tapusin muna ang pag-aaral.

Kumuha siya ng Master of Science in Management sa Singapore Management University, with specialization in Entrepreneurship and Innovation.

Kumuha rin siya ng Bachelor of Science sa Entrepreneurial Management University of Asia & the Pacific. Ang formative years niya ay kanyang ginugol sa Ateneo de ManIla University.

At bilang tinaguriang youngest public servant sa Quezon City, naging barangay kagawad siya sa Brgy. Ugong Norte (QC) ng may dalawang termino. Bago rito, naging SK Kagawad din siya sa parehong barangay.

At 27, established na rin siya bilang isang businessman. Nagmamay-ari siya ng isang cafe, isang LED trading at retail store ng sapatos.

Ngayon, tumatakbo siya independently bilang konsehal sa third district ng Quezon City.

Hindi ba mahirap maging independent?

"Mahirap din po, pero para sa akin, ang importante ay 'yung paglilingkod sa mga tao, hindi sa partido," sabi ni Chuckie na number 1 sa balota.

Isa si Chuckie sa nagpapatunay na marami talaga sa showbusiness ang may talino at pusong makamasa tulad niya.