Chynna buntis sa pangalawang anak

April 22, 2019
Kean Cipriano & Chynna Ortaleza

BUNTIS naman sa kanilang ikalawang anak ng husband na si Kean Cipriano si Chynna Ortaleza.

Ayon sa Instagram post ni Kean: “Happy Easter from me, @chynsortaleza, @stellarcipriano and our newest band member! Sending good vibes to all!”

Ayon naman sa 36-year-old mom na si Chynna: “Name suggestions! Happy Easter from #TheCips”

Tatlong taon na ang kanilang panganay na si Stellar. Hands on parents ang dalawa at wala silang katulong sa pagpapalaki ng mga ito. Kahit nga sa pagsa-shopping, makikita silang tatlo na sama-sama at walang nakabuntot na katulong.

Wala pang ibang detalye ang pagbubuntis ni Chynna.