Home>Entertainment>Showbiz>Claudine at celebrity lawyer pinaghihinalaan

Claudine at celebrity lawyer pinaghihinalaan

Claudine Barretto and Atty. Ferdie Topacio
Claudine Barretto and Atty. Ferdie Topacio

IS there something special going on between actress Claudine Barretto and celebrity lawyer Atty. Ferdie Topacio? Ito ang madalas na itinatanong sa kilalang abogado dahil madalas nitong nakakasama ang controversial actress na kamakailan lamang napabalita na naputulan umano ng kuryente sa kanilang bahay. Pero sinasabi ni Atty. Topacio na magkaibigan lamang sila ng aktres na since 2013 pa niya tinutulungan bilang legal counsel.

Claudine Barretto and Atty. Ferdie Topacio
Claudine Barretto and Atty. Ferdie Topacio

“Nabibigyan lamang ng ibang kahulugan ang pagiging close namin ni Claudine but we’re friends,” paglilinaw ng de kalibreng abogado.

Bukod sa pagiging legal counsel ni Claudine, si Atty. Ferdie rin ang magpu-produce ng comeback movie ng actress under his own Borracho Films na nakatakdang idirek ng premyadong director na si Joel Lamangan mula sa script ni Eric Ramos.

Si Claudine ay meron ding special guest appearance sa true-to-life movie na “Mamasapano SAF 44” na pinamamahalaan ni Lawrence Fajardo.

Ayon kay Atty. Topacio, sisimulan nila agad ang pelikula ni Claudine kapag buo na ang script mula mismo sa story ng kilalang lawyer and intended as Mother’s Day presentation. Makasama rin sa movie ang seksing singer-actress na si Kara Madrid (Kara Mitzki).

Iniwang projects ni Kuya Germs ipinagpapatuloy ni Federico

Kuya Germs, Federico Moreno and children
Kuya Germs, Federico Moreno and children

IKALIMANG death anniversary last Friday, January 8 ng star builder and Master Showman German `Kuya Germs’ Moreno na sumakabilang-buhay nung 2016 dahil sa cardiac arrest. He was 82.

Dumalaw sa kanyang puntod sa Loyola Memorial Park in Marikina last Friday ang kaisa-isang anak na si Federico Moreno with girlfriend Harlene Bautista kasama ang apat na anak sa kanyang ex-wife na si Sheila Magdayao (sister of Vina Morales and Shaina Magdayao).

Sa kabila ng pagpanaw ni Kuya Germs, ipinagpapatuloy pa rin ni Federico ang taunang Stars Walk of Fame sa Eastwood City in Quezon City na proyekto ni Kuya Germs at ang taunang German Moreno Youth Achievement Award ng FAMAS Awards.

After his break-up with ex-wife, Sheila (with whom he has four grown up children), bumalik na si Federico sa ancestral house ng kanyang amang si Kuya Germs sa Valencia St. in Quezon City kung saan din nakatira ang kanyang pinsan, ang singer-host na si Dr. John Nite.

Samantala, tiyak na matutuwa si Kuya Germs sa kanyang kinaroroonan ngayon dahil ipinagpatuloy ng isa sa kanyang mga anak-anakan sa “That’s Entertainment” program na si Manila Mayor Isko Moreno ang rehabilitation ng Metropolitan Theater, isa sa mga landmark ng Maynila na nasa panulukan ng Padre Burgos St. at Arroceros St. at malapit sa Manila Central Post Office.

Nung nabubuhay pa si Kuya Germs, naging adbokasiya niya ang rehabilitasyon ng Metropolitan Theater na muling bubuksan sa publiko sa darating na April 2021.

Dingdong bagong endorser ng Beautederm

Dingdong Dantes

THERE’S no stopping successful businesswoman Rhea Anicoche-Tan from tapping popular personalities bilang brand ambassadors ng kanyang Beautederm products.

Bago nagtapos ang taong 2020 ay napasama sa roster ng Beautederm brand ambassadors sina Piolo Pascual at Bea Alonzo at sa pagpasok ng bagong taon, 2021 ay ipinakilala niya ang bagong karagdagan sa lumalaki niyang pamilya ng mga celebrity endorsers, ang Kapuso primetime king na si Dingdong Dantes.

Sa pag-join ng actor-host na si Dingdong sa bakuran ng Beautederm, magkasama na sila ng kanyang misis na si Marian Rivera.

Subscribe, like, share and press the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter:aster_Amoyo

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger