Home>Entertainment>Showbiz>Claudine ayaw makasama sa isang project sina Raymart at Jodi

Claudine ayaw makasama sa isang project sina Raymart at Jodi

Claudine Barretto

TAHASANG inamin ni Claudine Barretto na hindi niya gustong makatrabaho ang ex-husband na si Raymart Santiago at ang rumored girlfriend nito ngayon na si Jodi Sta. Maria.

“Kahit naman nung kami pa (ni Raymart) ay hindi kami nagsama sa isang proyekto,” sabi ni Claudine.

Samantala, ngayong hindi na sigurado kung matutuloy pa ang reunion movie nina Claudine at Piolo Pascual sa Star Cinema, ang “2gether Un4ever” na nakatakda sanang idirek ng box office director na si Cathy Garcia-Molina, gagawin muna ng comebacking actress ang pelikulang nakatakdang idirek ng premyadong director na si Joel Lamangan under Borracho Film Production.

Si Claudine kasama sina Direk Joel, ang award-winning writer na si Eric Ramos, ang singer-actress na si Kara Madrid at ang singer-actor na si Gerald Santos na makakasama sa movie ay sabay-sabay na lumagda ng kontrata sa Borracho Film Production na nakatakdang simulan sa susunod na buwan for a Mother’s Day presentation in May.

Ang contract-signing ay isinabay sa 6th anniversary ng “Mamasapano SAF 44” nung nakaraang Lunes, January 25 na pinagbibidahan ni Edu Manzano kasama sina JC de Vera, Aljur Abrenica, Rey `PJ’ Abellana, Jojo Abella, Jojo Alejar, Alan Paule, Rez Cortez, Myrtle Sarrosa, Ritz Azul at kung saan din may special guest appearance si Claudine. Ang nasabing pelikula ay pinamamahalaan ni Lawrence Fajardo at first major true-to-life project ng Borracho Film Production ni Atty. Ferdie Topacio.

Ang isa pang project ng Borracho ay isang romance-comedy movie na tatampukan nina Edu Manzano at Ritz Azul.

Kara na-starsturck kay Claudine

SAMANTALA, tuwang-tuwa ang Fil-Greek singer-actress na si Kara Madrid na makakatrabaho niya for the very first time sina Claudine Barretto at Direk Joel Lamangan sa pelikula.

“Na-starsrtuck ako kay Claudine,” pag-amin niya.

“At sino namang artista ang hindi nangangarap na maidirek ng premyadong director na si Direk Joel (Lamangan)?” dugtong pa ni Kara na huling napanood sa top-rating and longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano.

“First love ko talaga ang singing pero ini-enjoy ko na rin ang acting,” pahayag ng Viva artist.

Si Kara ang gaganap na sister ni Claudine sa kanyang comeback movie habang si Gerald naman bilang lover ng actress.

Si Claudine ay nasa pangangalaga ngayon ni Arnold Vegafria.

Kasabay ng paglagda ni Claudine sa Borracho Film Production ay ang pag-announce ng pagiging bagong celebrity ambassador ng actress ng Cathy Valencia Skin & Body Center.

Youtube sensation ng Cebu na si Sunshine ilulunsad na

Sunshine Guimary
Sunshine Guimary

ILO-LAUNCH na sa isang sexy-comedy movie na “Kaka,” ang YouTube sensation-turned sexy actress na si Sunshine Guimary from Cebu. Makakasama rin sa nasabing pelikula sina Jerald Napoles at Ion Perez as her leading men with Rosanna Roces, Maui Taylor, Debbie Garcia, Jackie Gonzaga, Juliana Parizcova Segovia at Gina Pareno mula sa direction ni GB Sampedro.

Mukhang palaban pagdating sa pagpapa-sexy si Sunshine. All out umano siya kung ano ang ire-require sa kanya ng director sa kanyang character as Kaka as sex therapist.

“Kung ano ang hihingin ng character ko, yun ang ibibigay ko,” pangako ni Sunshine.

Ion kinakabahan sa first leading man role

AMINADO naman si Ion Perez na kabado siya sa movie dahil first time niyang maging leading man at role ng isang mayamang guy na na-inlove kay Kaka (Sunshine Guimary) ang kanyang gagampanan. Magkakaroon din ang dalawa ng intimate scene.

“Galing lang po ako sa mahirap na pamilya kaya pag-aaralan ko ang character ko bilang isang mayaman,” aniya.

One hundred percent naman ang suporta at paniniwala sa kanya ni Vice Ganda.

Natutuwa naman ang isa pang mainstay ng “It’s Showtime” na si Jackie Gonzaga na siya’y napasama sa pelikulang “Kaka” na nakatakdang simulan this February.

Fourth at Grizelle nine years bago nagpakasal

Fourth Solomon and Grizelle Gratela
Fourth Solomon and
Grizelle Gratela

BABY boy ang magiging first baby ng mag-asawang Fourth Solomon (Robert Solomon Pagotan IV) at Grizelle Gratela na nakatakdang isilang sometime in April this year.

Si Fourth na isang commercial model, chef and entrepreneur at ang kanyang twin brother na si Fifth Solomon ay naging bahagi ng “PBB: All In” in 2014. He was in a relationship with his wife now na si Grizelle for nine years bago ang kanilang engagement in December 2019 sa San Francisco, California, USA with the famous San Francisco Bridge as their backdrop.

Nakatakda sanang magpakasal ang dalawa sa isang beach wedding in Boracay this March 2021 pero dahil sa pandemic ay nagpakasal na ang dalawa sa isang civil wedding nung August 27, 2020.

Bago ang pandemic ay mahilig ang entrepreneur couple magbiyahe sa ibang bansa.

Bukod sa kanyang twin brother na si Fifth Solomon, kapatid din nila ang Kapuso singer-actress-comedienne na si Chariz Solomon na may sariling pamilya na rin ngayon.

Samantala, hindi pa man lumalabas ang magiging first baby nina Fourth at Grizelle ay meron na silang napiling pangalan sa kanilang baby, Robert Gavin. Ang Robert ay hango sa real name ni Fourth.

Subscribe, like, share and press the bell button of “TicTALK with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook:@asteramoyo and Twitter:@aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger