Home>Entertainment>Showbiz>Cloie mauunahan pang mag-asawa si KC

Cloie mauunahan pang mag-asawa si KC

KC Concepcion

MUKHANG mauunahan pa si KC Concepcion ng kanyang nakababatang kapatid (half sister sa father side) na si Cloie Syquia Skarne (26) who recently got engaged sa kanyang Swedish fiancé na si Fredrick Hill.

Cloie was still a kid nang magkahiwalay ang kanyang parents na sina Jenny Syquia at Gabby Concepcion. Jenny remarried a Swedish national na si Filip Skarne at in-adopt niya si Cloie who is now carrying the family name na Skarne. Sa Sweden na sila na-base ngayon.

Si Cloie ay nag-aral ng Chinese language since she was 13 and attended the Communication University in Beijing, China. Nagtapos naman siya ng kanyang business degree sa Stockholm University where she is currently taking up her Master’s degree.

Si Fredrik (30) naman took up his master’s degree in Civil and Architectural Engineering sa KTH Royal Institute of Technology in Swededn and now works as structural engineer at iKubik company.

KC Concepcion
KC Concepcion

The couple are now planning their wedding at tiyak na hindi mawawala sa entourage ang half siblings ni Cloie na sina KC at Garie Concepcion (na anak naman ni Gabby kay Grace Ibuna).

Will Cloie invite her biological dad (Gabby) to her wedding?

Being the eldest sister to her younger siblings, they all look up to her as their big sister. And in fairness kay KC, she is very close sa kanyang mga kapatid.

Nang sumali si Cloie sa Miss Earth in 2016 na ginanap sa Pilipinas, naging supportive sister si KC sa kanya.

Cloie won Miss Earth Sweden in 2016 and represented her country sa 2016 Miss Earth in the Philippines pero umabot lamang siya sa Top 8. In 2018 ay muli siyang sumali sa Miss Universe Sweden kung saan siya nanalong 1st runner-up but failed to represent her country sa 2018 Miss Universe.

Samantala, masaya rin ang lovelife ngayon ng isa pang sister ni KC na si Garie Concepcion dahil mukhang getting stronger ang relasyon nila ng singer-actor na si Michael Pangilinan.

Marco at Precious puwede nang magtayo ng basketball team

Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz
Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz

PUWEDE nang magtayo ng `basketball team’ ang actor na si Marco Alcaraz matapos muling magsilang ng baby boy ang kanyang misis, ang 2005 Miss International-turned actress na si Precious Lara Quigaman last Thursday, September 17.

Ang bagong silang na baby boy ay pinangalanan ng mag-asawa ng Moses habang ang first two boys ng couple ay sina Noah Lamar (7) at Tobias Nolan (2).

Sina Lara at Marcus got engaged in 2010 and got married twice in 2011 and 2012. Unang nagpakasal ang couple nung January 1, 2011 sa pamamagitan ng civil wedding ceremony sa Vancouver, Canada na sinundan naman ng kanyang Christian garden wedding nung July 8, 2012 na ginanap sa Hacienda Isabela in Tagaytay City.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)