Coco at iba pa, pinasigla ang sandaan ng FDCP

September 13, 2019

HINDI ikinakaila ng actor-director ng top-rating and long-running (4 years) action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Coco Martin na isa umano siyang tagahanga ng bagong mayor ngayon ng Maynila, ang actor-politician na si Isko Moreno na isa noon sa naging miyembro ng youth-oriented program na “That’s Entertainment” ng yumaong star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno.

Personal na sinadya ni Coco at Mayor Isko sa kanyang tanggapan upang ipaaabot ang personal niyang paghanga at suporta sa batang alkalde na minsan niyang nagkasama sa isang teleserye.  Pero ang suspetsa ng marami ya malamang na mapanood umano si Mayor Isko sa “Ang Probinsyano” kung hindi man sa ginagawang bagong movie ni Coco which is intended for the Metro Manila Film Festival.

Si Coco ay isa sa maraming stars na dumalo sa Sine Sandaan celebration ng Philippine Cinema centennial na ginanap sa New Frontier Theater nung nakaraang Huwebes, September 2, 2019.  Ito’y pinamunuan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairman na si Liza Dino who deserves a pat on her shoulder.  Kahapon naman, September 13 araw ng Biyernes ay nagsimula ang ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na siyang pet project ng FDCP ni Liza.

Kasama sa mga stars na dumalo sa Sine Sandaan celebration ay ang magkasintahan at magka-loveteam na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Dingdong Dantes, ang superstar na si Nora Aunor, Alden Richards, Piolo Pascual at marami pang iba.