Coco inunahan ni Vice Ganda

June 04, 2019
Coco Martin and Vice Ganda
Coco Martin and Vice Ganda

KUNG inihayag na ang pagtatambal nina Vice Ganda at Anne Curtis sa 2019 Metro Manila Film Festival, tahimik naman ang kampo ni Coco Martin tungkol sa kung sino ang susunod na makakasama niya sa pelikula sa darating na MMFF. May mga nagsa-suggest na maganda siguro kung gagawa ng isang action-drama movie si Coco na pagtatambalan nila ng “The General’s Daughter” star na si Angel Locsin na ang action director na Toto Natividad ang magdidirek.  O kung hindi man, isang romantic-comedy para maiba naman sa panlasa ng supporters ng dalawa. Puwede rin ito i-co-produce ni Coco with Star Cinema para naman mabigyan siya ng equal promo exposure tulad ni Vice Ganda.

Sina Vice Ganda at Coco ay dalawang beses na ring nagsama sa pelikula, ang “The Beauty and the Bestie” in 2015 at ang “The Super Parental Guidance” in 2016 na parehong naging nanguna sa magkasunod na MMFF.  Although close na magkaibigan sina Vice at Coco, hindi maiiwasan na magbanggaan ang kanilang respective movies pagdating sa MMFF. It's business, and there's no business like showbusiness.