Coco, mapapanood sa Kapuso channel

December 06, 2018
Vic Sotto, Maine Mendoza and Coco Martin

Hopefully, natanong si Coco Martin sa presscon kahapon ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles kung guest siya sa Saturday (December 8) episode ng Daddy’s Gurl, ang sitcom nina Vic Sotto at Maine Mendoza na produced ni Vic, pero sa GMA-7 napapanood.

Lumabas sa “abangan” ng sitcom at episode for Saturday si Coco o baka kamukha lang niya, kaya pinapatanong ng fans.

Kung guest nga si Coco bukas, ibig sabihin, pinayagan siya ng ABS-CBN na mag-guest para ma-promote ang Jack Em Popoy entry sa 2018 MMFF at magsisimulang mapanood sa December 25.

Hindi rin nakakagulat kung mag-guest si Coco sa Eat Bulaga na produced ng TAPE, Inc. at sa Kapuso Network lang ang airing.

Anyway, mga pulis ang role nina Coco, Maine at Vic sa movie na trailer pa lang, nakakatawa na. Gusto naming mapanood ang movie para malaman kung paano ipinasok ang twist ng story.

* * *

Sabi ni Attty. Joji Alonso, sinulat ni Director Jay Abello ang script ng The Girl in the Orange Dress para sa wife nito. Sa kwento ni Direk Jay, GF pa niya ang wife niya ngayon nang sulatin ang script and that time, wala siyang pera sa Valentine’s Day pa naman, kaya script ang Valentine’s gift niya.

Ang lyrics ng theme song ng movie na We and Us, sinulat din para sa wife ng composer, kaya bagay ang script at theme song. Si Morisette ang kumanta ng theme song na bagay sa pelikula.

Kay Atty. Joji rin namin tinanong ang role ng mga nag-cameo sa The Girl in the Orange Dress.

Si Derek Ramsay at ang GF nitong si Joanne Villablanca ang couple na ikinasal   at kung saan nagkita sina Rye (Jericho) at Anna (Jessy).

Si Jennylyn Mercado as herself, artista na kasama ni Jericho na artista ang role sa movie. Si Boy Abunda as himself, si Tuesday Vargas bilang TV host na mahilig sa scoop, si Maxene Magalona ang owner ng orange dress at si Luis Manzano naman ang waiter.

Lahat ng nag-cameo ay walang talent fee at si Luis nga, nag-volunteer pang mag-cameo, kaya nagpapasalamat sa kanila si Atty. Joji at si Direk Jay.

Nabanggit ni Jericho na si Sam Milby ang ginawa niyang peg sa role niya. Hindi alam ni Sam, pero inobserbahan lang daw siya ng aktor sa taping nila ng Halik.

* * *

Natuloy ang pagkakape ng cast ng Fantastica at nangyari ito after ng presscon
ng movie last Tuesday.

Hindi nabanggit kung saan nagsama-samang magkape ang cast na pinangunahan ni Vice Ganda.

Sa picture na pinost ni Dingdong Dantes sa Instagram (IG), bukod sa kanilang dalawa, nasa picture rin sina Richard Gutierrez, Mico del Rosario, Maymay Entrata, Kisses Delavin, Donny Pangilinan, Edward Barber at Director Barry Gonzales.

Sabi ni Dingdong, “Wish we had more time to do this while shooting our movie. Looking forward to future bonding moments with our cast! #Fantastica -- paparating na ngayong Pasko.”