Coco muling niregaluhan ang sarili ng mamahaling kotse

December 14, 2018
Coco Martin
Coco Martin

KILALA ang Kapamilya Primetime King na si Coco Martin sa pagiging collector ng mamahaling sasakyan at bike. Kaya na niya itong gawin ngayon sa laki ng kanyang kinikita bilang actor, celebrity endorser, director at producer.

Kamakailan lamang ay muling kumuha si Coco ng isang magarang  expensive black and red sports car, isang Ford Mustang GT bilang advance Christmas gift niya a kanyang sarili.

At 37, kaya na ng Kapamilya actor na bumuo ng sarili niyang pamilya pero mukhang hindi ito priority sa kanya ngayon.

Napaka-masikreto pa rin ni Coco pagdating sa kanyang lovelife at personal na buhay although patuloy pa ring inili-link sa kanya ang Kapamilya young star na si Julia Montes na nakatira rin sa same village ng actor.

Samantala, natutuwa si Coco na natupad ang isa sa kanyang mga pangarap na makatrabaho sina Vic Sotto at Maine Mendoza na nangyari sa kanilang upcoming Metro Manila Film Festival movie na “Jack Em Popoy: The PulisCredibles” na matutunghayan na sa mga sinehan nationwide simula sa December 25.

Mahigit tatlong taon na rin sa ere ang kanyang top-rating and long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na hindi natitinag sa kanyang kinalalagyan.