Coco, nanginig at na-starstruck kay Vic

December 09, 2018
Coco Martin & Vic Sotto

Pinost ni Coco Martin ang mga pinuntahan nilang mall para i-promote ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles at kita na puno ng tao ang bawat mall na puntahan nila ni Maine Mendoza.

Pati ang last leg ng mall tour hanggang December 16, pinost ni Coco, kaya asahang mas dadagsa pa ang tao.

Sa mall show nagsasayaw si Coco, kaya mas nag-i-enjoy ang fans na dumadagsa sa mga mall.

Isa ang mall show ng Jack Em Popoy sa may pinakamaraming tao at nagsasayawan ang audience.

Sa presscon ng nasabing MMFF entry, sabi ni Coco, isang pangarap niya na natupad ang makatrabaho si Vic Sotto na lahat ng MMFF entries ay pinapanood nila ng kanyang pamilya.

Dahil katuparan ng matagal nang pangarap ang unang pagsasama nila ni Vic, mas pinagaganda nila ang movie.

Pati ang script, laging tsinitsek ni Coco at tiniyak na iba ang napapanood sa napapanood sa Ang Probinsyano na tungkol din sa mga pulis.

Si Lito Lapid ang kinuhang fight director ni Coco sa Jack Em Popoy.

Ang cute nang inamin ni Coco na sa first scene niya with Vic, nanginig at na-starstruck siya, kinabahan at hindi napakali.

Naalis lang daw ang kaba niya nang magsimulang mag-joke at magkwento si Vic.

Pareho na sina Coco at Vic na gustong gumawa ng pelikula tuwing Pasko.

“Sisiguraduhin ko, susulutin ko,” pangako pa ni Coco.