Home>Entertainment>Showbiz>Coleen at Dianne sabay na nanganak

Coleen at Dianne sabay na nanganak

AFTER being married for over two years, couple Billy Crawford and Coleen Garcia are now brand new parents to their first born na si Amari who was born last Thursday, September 10 via home water birthing, same procedure na ginawa ng Kapuso actress na si Max Collins sa first baby nila ng husband niyang actor na si Pancho Magno last July 6, 2020.

Sina Billy (38) at Coleen (27) ay ikinasal nung April 20, 2018.

Si Baby Amari ay parehong unang apo ng respective parents nina Billy at Coleen.

Samantala, on the same day, September 10, nagsilang din ang actress-dancer-host na si Dianne Medina-Cruz ng kanyang unang baby sa husband niyang singer-actor-dancer na si Rodjun Cruz (Ilustre). Baby boy ang unang baby ng mag-asawa na kanilang pinangalanang Rodolfo Joaquin Diego II.

Si Baby Joaquin Ilustre ang kauna-unahang pamangkin ng nakababatang kapatid ni Rodjun na si Rayver Cruz.

LJ nagkaroon naman ng miscarriage

MALUNGKOT na ibinalita ng mag-asawang LJ Moreno at Jimmy Alapag sa kanilang YouTube channel last Wednesday, September 9 na nagkaroon ng miscarriage ng actress sa kanilang magiging pang-apat na baby kamakailan lamang. And the hardest part was relaying the sad news to their three kids na sina Ian Maximus (8), Keona Skye (5) at sa kanilang bunsong anak na si Calen Asher (turning 3 next month) who took it hard laluna ang kanilang panganay na si Ian.

Naging blessing in disguise na rin ang nangyari dahil na-discover ng kanyang doctor na merong myoma sa uterus at tatlong small nodules sa thyroid ni LJ kaya she is now under medication. Wala pa naman umanong advise ang doctor kung ito’y tatanggalin sa pamamagitan ng operasyon.

Vic at Joey parehong may bagong apo

PAREHONG may bagong apo ang dalawa sa pedestal ng noontime show na “Eat Bulaga” na sina Vic Sotto at Joey de Leon. Ang bagong silang last September 7 na si Baby Sachi Brielle ang unang apo ni Vic sa kanyang anak (kay Angela Luz) na si Pauline Sotto-Llanes at husband nitong si Jed Llanes pero pampitong apo na ito ng veteran TV host-producer habang si Baby Jakob ay unang baby naman ng anak ni Joey (kay Eileen Macapagal-de Leon) na si Jaco de Leon at wife nitong si Gill Salita.

Last Thursday, September 26 ay kasama ni Joey ang kanyang bagong apo habang ito’y naghu-host (from home) sa “Eat Bulaga” tulad din ng ginagawa ni Vic.

Malalaki na ang mga apo ni Joey sa dalawa niya mas nakatatandang mga anak na si Cheenee at Keempee de leon (sa ex-wife na si Daria Ramirez).

FDCP maraming activities para sa Philippine cinema

SA pagtatapos sa buwang ito ng “Sine Sandaan: Next 100” para sa centennial celebration ng Philippine cinema na nagsimula nung isang taon, isang month-long multitudes of activities ang binuo at ni-line up ng Film Development Council of the Philippines na pinamumunuan ng chairperson and CEO na si Liza Dino-Esguerra. Ito’y nagsimula kahapon, September 11, araw ng Biyernes sa pamamagitan ng Film Industry Conference 2020 (online). Pero as early as September 7 to 10 ay nagkaroon ng Kre8tif! Virtual conference in partnership with the Malaysia Digital Economy Corporation (MDEC).

On September 11 – 15, 2020 ay magkakaroon ng Film Industry Conference (FIC) online na susundan ng Full Circle Lab Philippines from September 15 – 30, 2020 na pamumunuan nina Matthieu Darras, Film Festival Programmer at dating Torinolab Director at ni Izabel Igel, producer, film school trainer at film marketing distributor expert.

On September 18 ay matutunghayan naman ang mga Filipino classic films sa The Manila Times TV. Ito’y partnership ng FDCP at The Manila Times TV na pag-aari ni Dante Ang.

On September 17 – 19 ay magkakaroon ng LUTAS Negros Oriental Film Festival.

From September 16 – 18 ay magkakaroon naman ng Documentary Film Production Workshop on ELCAC stories. On September 19 to 20 ay magkakaroon ng Philippine International Comics Online Festival (PICOF). Sa September 14 ay nakatakdang magkaroon ng FilmPhilippines: WIFI Workshops in Film Incentives na susundan ng MOWELFUND and FDCP Special Masterclass on September 26. On September 28 ay magkakaroon ng launch ng Philippine Film Archive Website at sa kaparehong araw ay ang CreatePHFilms at ang National Registry Gets An App. The following day, September 29 ay magkakaroon ng Sine Wikain Challenge habang ang closing ceremony ng “Sine Sandaan: The Next 100,” Philippine Cinema’s Centennial Celebration on September 30 ay magtatapos sa isang two-hour virtual event kung saan tampok ang mga top singers and performers tulad nina Lea Salonga, Lani Misalucha, Gary V., Martin Nievera, The Company, Arcepelago at ang mag-asawang Robert Sena at Isay Alvarez.

Samantala, at the virtual press conference ng FDCP, hindi napigilan ng misis ni Ice Seguerra ang maging emotional nang ito’y matanong na may kinalaman sa matinding kontobersiya na kanyang pinagdaanan nitong nakaraang mga buwan matapos siya’y alisin bilang isa sa mga miyembro ng executive committee ng Metro Manila Film Festival at magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa samahan ng mga movie producers ng bansa, ang Philippine Motion Pictures Producers Association (PMPPA). Naniniwala si Liza na nagkaroon lamang umano ng miscommunication sa kanilang pagitan at umaasa siya na ito’y mare-resolve din sa malapit na hinaharap lalupa’t ang kapakanan ng buong movie industry ang kanyang number one goal.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)