Comedy bars napilitang isara ni Allan K

July 01, 2020

NAKAKALUNGKOT isipin ang milyun-milyon tao na nawalan ng hanapbuhay at napakaraming kumpanya at iba’t ibang business establishments na nagsara dahil sa Covid-19 pandemic hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa ating bansa, daang libo na rin ang nawalan ng hanapbuhay at marami na ring mga negosyo ang nagsara. Kasama na rito ang dalawang comedy bar-restaurants ng singer-comedian at “Eat Bulaga” host na si Allan K, ang Zirkoh at Klowz na nagbibigay ng hanapbuhay sa marami.

It was a tough decision sa part ni Allan K and his business partner na si Lito Alejandria pero wala silang choice.

But when things get better, umaasa si Allan K na makababalik pa rin sila balang araw para ipagpatuloy ang paghahatid ng saya sa kanilang customers at pagbibigay ng hanapbuhay sa mga singer-comedian.