Cong. Vi ipinakita ang pagiging solid Kapamilya

July 12, 2020
Vilma Santos
Vilma Santos

IPINAKITA ni Batangas 6th Distict Representative Vilma Santos-Recto na tunay siyang Kapamilya hanggang sa huli.

Nitong Biyernes, lumabas na ang hatol ng Kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN. Ayon sa rekomendasyon ng Technical Working Group, hindi na binigyan ng panibagong prangkisa ang network. At ito ay pinagbotohan sa plenaryo ng mga regular at ng ex-officio members ng committe. Sa nasabing botohan, 70 kongresista ang sumang-ayon rito at 11 naman ang tumutol sa tuluyang pagpapasara sa Kapamilya network.

Tanging si Ate Vi lang ang artista na kongresista ang nagpakita ng hayagang pagsuporta sa network. Kaya naman kaliwa't kanan ang papuri sa kanya. Nag-tweet kaagad ang panganay na anak nitong si Luis Manzano na nagsabing proud ito sa kanyang ina. Kahanga-hanga ang ginawang ito ni Ate Vi hindi dahil sa kanyang pagiging Kapamilya kundi pinairal niya ang kanyang puso at konsensya. Ayon sa kanyang naging panayam, "kung meron mang mga administratibong pagkukulang, yun naman po ay nakukorek. Meron naman po tayong proseso sa batas maging administratibo.”

Matatandaan na isa siya sa mga kongresista na naghain ng resolution sa House Committee on Legislative Franchises para sa franchise renewal ng ABS-CBN. Patunay lamang kung gaano niya kamahal ang network. Patunay rin ito kung gaano niya pinapahalagahan ang industriyang nagpaningning sa kanyang pangalan. Totoong may utang na loob at malasakit sa industriya.

Taliwas naman ang ginawa ng mga kapwa niya artista na ngayon ay kongresista rin na sinaYul Servo, Dan Fernandez, Precious Hipolito na bumotong "Yes" to "denial of ABS-CBN's franchise renewal" habang nag-abstain naman si Alfred Vargas. Aminin o hindi, nagkapangalan at nakilala sila sa showbiz. At ang hindi nila pagsuporta sa ABS-CBN ay pagpapatunay lamang ng umano'y kawalan nila ng utang na loob sa showbiz at pag-traydor diumano sa mga kapwa artista. Bakit si Ate Vi lang ang nagpakita ng suporta sa ABS-CBN? May sama ng loob kaya ang mga ito sa network? O iniisip nilang hindi ang ABS-CBN ang end-all and be-all ng showbiz? Just asking....

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com