Consistent!

December 06, 2018
Maine Mendoza

Kapamilya stars, nilampaso ni Maine bilang Most Tweeted Pinoy Celebrity.

... AlDub, nangunguna sa loveteams.

‘Eat Bulaga,’ babu na sa Broadway.

CONSISTENT ang pagiging number one celebrity ni Maine Mendoza bilang Most Tweeted Filipino Celebrity sa Twitter ng 2018 base sa inilabas na resulta ng Twitter Philippines nitong nakaraang araw.

Dinaig ni Meng ang Kapamilya stars gaya nina Maymay Entrata (2nd),  Kisses Delavin (3rd), Edward Barber (5th), Donny Pangilinan (6th), Loisa Andalio, Kathryn Bernardo, Maris Racal (9th) at Daniel Padilla (10th).

Nakuha ni Alden (Richards) ang fourth spot pero pagdating sa Top Loveteams ay ang AlDub naman ang pulling away, huh!

Tinalo ng AlDub ang loveteams ng MayWard, Don-Kiss, LizQuen, KissTon, MacLisse, KierVi, JaDine, Mar-Nigo at JoshLia.

Ang Kapuso shows naman na pasok sa Most Tweeted About Teleserye ay Daddy’s Girl, Kambal Karibal, Contessa, Victor Magtanggol at Sherlock Jr.

Dahil sa matinding suporta ng fans nina Meng at Alden sa Twitter, hindi kataka-taka na ma-achieve nila ang 1-B tweets, lalo na’t may filmfest entry na Jak Em Popoy si Meng, huh!

Pagdating naman sa Most Tweeted about hashtag (#), number 5 ang hashtag na #MaineMendoza at number 9 naman ang #ALDUBWithBroadwayBoys.

* * *

GOODBYE, Broadway!

Ngayong araw na ito ang huling araw ng telecast ng Eat Bulaga sa Broadway Studios after ng ilang dekadang pananatili sa studio.

Siyempre, nakakalungkot dahil nasanay na ang publiko na dumayo araw-araw sa Broadway upang manood ng number one noontime show.

Sa studio ring ito nagsimula ang AlDub loveteam kung saan iba’t bang characters ang isinilang tulad ng mga Lola na sina Tidora, Nidora at Tinidora.

Bukas, December 8, bago na ang tahanan ng EB. Mas malaki at mas hi-tech. Mas maraming tao rin ang puwedeng makapasok sa loob at ’yung karatig-probinsiya ng Rizal, eh, madali nang makarating sa bagong studio dahil located ito along Marcos Hi-Way.

Naku, iwas-iwas sa bandang Marcos Hi-way dahil susugod na ang mga taong ilang dekada nang nagmamahal sa Eat Bulaga.