Cora, tinuruan ni Christian na maging friendly sa set

November 19, 2018
Christian Bables & Cora Waddell

Itutuloy pa rin ni Cora Waddell, leading lady ni  Christian  Bables sa pelikula ng Regal Entertainment na Recipe For Love ang pag-aartista kahit may asawa na siya. Ikinasal si Cora sa top model na si Terrence Lloyd noong July, 2018.

“Oh yes, yes. I still aspire to continue with my work and do better. More married roles but siyempre family is very important  and I believe to make a good future you have to start at home,” pahayag pa niya.

Hindi naman naniniwala si Cora na maapektuhan ang nasimulan niyang showbiz career sa ginawang pagpapakasal.

Katwiran niya, “I ne-ver felt that married or marital status should make a difference in what you do for a living lalo na if you’re professional and you take your job seriously and handle it with respect.”

Naikuwento ni Cora sa aming interbyu hindi niya ini-expect na mauuwi sa kasalan ang friendship nila ng lalaking pinaka-salan.

“Oo, kasi we were friends, we were jokes-ters. We weren’t the romantic time and  then I’m sure everyone was very surprise  when they found out that we went to Australia and got married,” pagtatapat pa niya.

“We were friends for 8 years, parang flirting-flirting lang kami palagi,” hirit pa ng magandang modelo.

Eh, paano ba niya na-realize na si Terence na ang kanyang “the one?”

Kinikilig na kuwento ni Cora, “He came to me and said, after eight years, sabi niya, ‘I don’t wanna be your friend anymore.’  Sabi ko, ang gilas naman nitong lalaking ito. Kinilig talaga ako, ‘Oh my God, ito ba ’yon?’

“After all these years of flirting, all these years of joking, seryoso pala yon, may halaga siya. Sabi ko sa kanya, ‘you know, I’m gonna believe in magic just one time,  I’m gonna take a chance.’”

Samantala, aminado si Cora na malaki ang naitulong sa kanya ni Christian kung paano maging mas open sa mga katrabaho.

“Dito sa Recipe For Love he really took me out of my shell coz I’m a very quiet reserved person. Kasi kaming mga models tahimik lang kami, hindi kami matsika at work and Christian brought me into a world of taping that you can joke, you can talk, you don’t have to give everyone as much spaces in the modeling world and he really open me up and made me a friendly person,” kuwento pa niya.

Showing na ang Recipe of Love bukas, Nov. 21. The film is directed by Jose Javier Reyes.