Cory ibinunyag ang sikreto

December 16, 2018

WE are amazed at how beauty wellness guru, radio and TV personality and book author and former beauty pageant organizer licensee (Miss World Philippines and Mr. World Philippines) Cory Quirino maintains her flawless beauty and skin despite her age.

Sa pocket presscon na ipinatawag ng No. 1  AM station, ang DZMM na may kinalaman sa respective anniversary celebrations sa magkahiwalay na programa nina Cory Quirino, ang “Ma-Beauty Po Naman” at ni Dra. Lulu Marquez sa kanyang well-followed program na “Private Nights,” inamin ng dalawang radio anchors na pareho umano nilang adbokasiya ang wellness (for Cory) at sex education at iba pa kay Dra. Lulu.  Fifteen years na sa ere si Cory habang 12 years naman si Dra. Lulu.

Nang magkasakit ang ina ni Cory, doon lamang nagsimula ang pagiging health conscious ng radio and TV anchor.  Inamin ni Cory na hindi umano health conscious ang kanyang mga magulang dahil umiinom, naninigarilyo at hindi sila nagi-exercise na kalabiktaran niya.

Natutuwa si Cory that in her 15 years sa radio ay naisi-share niya ang kanyang kaalaman tungkol sa wellness o kalusugan ng isang tao.

“Bago ka tumulong sa iba, mahalin mo muna ang iyong sarili,” ani Cory.

“Kapag mahal mo ang iyong sarili, you know how to discipline yourself.  Check on your lifestyle and the food you eat,” dugtong pa niya.

“Enjoy your food  (in moderation), eat vegetables and fruits and exercise,”advise pa niya.

Bukod sa radio, naisi-share rin ni Cory ang kanyang expertise on wellness sa pamamagitan ng kanyang tatlong libro, ang “Forever Young: Cory Quirino’s Beauty and Fitness,” “Forever Young: Cory Quirino Guide to Beauty and Wellness and “My ABCs of Beauty and Wellness”.  Malapit na rin niyang ilabas ang kanyang pang-apat na libro on beauty and wellness, ang “The Beauty Queen in You”.

Ang “Ma-Beauty Po Naman” ni Cory ay napapakinggan at napapanood every Sunday from 9 a.m. to 10 a.m.

Si Dra. Lulu Marquez naman na nagmula sa pamilya ng mga doctor ay isang anesthesiologist at radio anchor.

Since once-a-week lamang ang kanyang programa sa radio on DZMM, every Sunday at 3 a.m. to 4 a.m., naisi-share naman niya ang kanyang knowledge based on anatomy, physiology and chemistry ang tungkol  sa pagbibigay advice na may kinalaman sa sex education and intimacy.  Nagulat si Dr. Lulu na meron siyang wide following ng kanyang “Private Nights” despite na alas-3 ng umaga ito napapakinggan when she thought na tulog ang mga tao.  Bukod sa Pilipinas, she also has a huge following sa mga Filipino na nasa iba’t ibang bansa na inaabot ng DZMM at TFC.