Crib at car seat ni Zia, iri-recycle ni Marian para sa baby boy

January 18, 2019
Zia and Marian Rivera
Zia and Marian Rivera

Ang tanong ni Zia Dantes sa presscon/launching nila ng inang si Marian Rivera ng Nido Advanced Protectus 3+ na “do you like my commercial?” pagkatapos ipapanood ang TVC nilang mag-ina ng Nido.

Si Zia ang bida sa presscon/launching, pero pagkatapos ng ilang minuto, nag-exit frame at nag-malling sa Powerplant Mall.

Nasabi niya na gusto na niyang maging ate at “forever” niyang mahal ang mama niya.

Anyway, sabi ni Marian, bago niya tinanggap ang offer ng Nido, tsinek muna niya ang nutrition na makukuha ni Zia at nalaman niyang ang Nido lang ang pre-school milk brand sa market na may Lactobacillus Protectus featuring L. Rhamnosus.

Kwento ni Marian, nang sabihin niya kay Zia na may work sila, ang tanong daw ay kung may work siya, may money siya.

’Pag may money siya, ibibili niya ng shoes si Marian.

Samantala, malaki ang matitipid nina Marian at Dingdong sa baby stuff para sa baby boy nila dahil marami pang mga gamit na regalo kay Zia na hindi pa nagagamit.

“May car seat at may crib pa, papalitan lang ng kulay. Iri-recycle ko na lang ang ibang gamit, makakatipid kami,” sabi ni Marian.

Present sa presscon/launching ng Nido Advanced 3+TVC sina Missy Ayson, VP and Lead Consumer Marketing Manager for NIFO GUM; Paolo Mercado, Director of Marketing Communication and Innovation for NESTLE Philippines; Arlene Tan-Bantoto, Business Executive Officer for NESTLE, Dra. Josephine Yuson-Sunga, Pediatrician and Medical Director of Nestle Infant Nutrition.