Cristine, bad ass female action star sa ‘Maria’

March 05, 2019
Cristine Reyes

Sa March 27 na pala ang showing ng Viva Films movie na Maria na pinagbibidahan ni Cristine Reyes.

Pero today, may special advance screening ang pelikula sa UP Film Cine Adarna, 7 p.m. Registration starts at 4 p.m.

Short teaser pa lang ng movie, nagka-interes na ang tao dahil maaksyon at suspense ang mga eksena.

Present ang buong cast at si Director Pedring Lopez sa special screening ng sinasabing action movie with a bad ass female lead.

Ang ganda ng description sa character ni Cristine na, “Ex-assassin. Asawa. Ina. Kung sino man siya, katatakutan mo ang kanyang paghihiganti.”

First action movie ito ni Cristine at ’pag pumatok sa takilya, siguradong masusundan pa ng ibang action film.

Malay natin, sumikat siyang female action star?