Cristine nagpaputol ng buhok

February 17, 2019

TOTOO nga siguro ang kasabihan na nagpapaputol umano ng buhok ang isang babae kapag ito’y may pinagdadaanan.

Although hindi nagsasalita ang singer-actress na si Cristine Reyes na may kinalaman sa kanilang paghihiwalay nung isang taon ng kanyang (ex) husband, ang MMA artist-turned actor na si Ali Khatibi, last February 15 ay nag-desisyon ang nakababatang kapatid ni Ara Mina na magpaiksi ng buhok na kanyang pinakulayan ng pula.  Bago ito ay nagbakasyon si Cristine sa Bangkok, Thailand kasama ang dalawa niyang kapatid na sina Ara Mina at Heidi Reyes at husband nito at doon nila ipinagdiwang ang ika-30 birthday ni Cristine.  Pagbalik ng Maynila ay isinama naman ni Cristine ang kanyang four-year-old daughter na si Amarah sa Boracay para doon naman mag-celebrate ng ika-4 na birthday ng bata last February 8.  In both occasions ay wala ang (dating) mister ni Cristine na si Ali.

Si Cristine ay malapit nang mapanood sa isang bagong teleserye ng ABS-CBN, ang “Nang Ngumiti ang Langit” kung saan niya mga kabituin sina Enzo Pineda, RK Bagatsing, Pilar Pilapil, Dante Rivero, Keempee de Leon, Matet de Leon, Vance Larena at iba pa.  Nakatakda rin niyang simulan ang bago niyang movie sa bakuran ng Viva Films na pagtatambalan nila ni Xian Lim mula sa direksyon ng “Kita Kita” director na si Sigrid Andrea Bernardo.