Home>Entertainment>Showbiz>Daddy ni Ice mapayapang lumisan

Daddy ni Ice mapayapang lumisan

Ice Seguerra
Ice Seguerra, father Dick, mother Caring and brother Juan Carlos

MAPAYAPANG lumisan ang may sakit na ama ng singer-actor na si Ice Seguerra na si Decoroso Seguerra or Daddy Dick ng 12:05 tanghali nung Linggo, November 15, 2020. May ilang taon ding nag-suffer at nakipaglaban si Daddy Dick sa prostate cancer. He was 77.

Bago sumakabilang-buhay si Daddy Dick ay nagawa pa nitong dalawin ang puntod ng kanyang yumaong mga magulang sa Calauag, Quezon at nakita rin niya ang iba niyang mga kaanak sa nasabing bayan. Isa ito sa mga huling kahilingan ni Daddy Dick sa kanyang anak na si Ice.

Nung nabubuhay pa si Daddy Dick ay isa itong masayahing tao at nakuha pa nitong magbiro in his sick bed.

Naging magaan naman ang paglisan ng ama ni Ice dahil nagkapatawaran at nagkapaliwanagan sila ng buong pamilya at nagkaroon din sila ng ample time para makapag-bonding as a family.

Iniwan ni Daddy Dick ang kanyang misis na si Mommy Caring (Caridad Yamson-Seguerra), mga anak na sina Ice ay Juan-C (Juan Carlos) at manugang na si Liza Dino-Seguerra.

Ang mga labi ni Daddy Dick ay ilalagak sa St. Peter’s Chapel in Quezon Avenue, Quezon City simula sa araw na ito ng Martes, November 17. Interment will be announced later.

Samantala, narito ang post ni Ice sa kanyang Instagram account: “Our family is saddened to announce the passing of our beloved, Decoroso `Dick’ Seguerra. Umakyat na siya sa heaven bandang tanghali ngayong November 15, 2020 para makipag-videoke kina Matt Monroe at Frank Sinatra.

“An awesome father, husband, brother, lolo, friend, leader; he has touched many lives by his kindness, gentle support and most of all, his sense of humor.

“We will post details of his wake as soon as we have finalized the details.”

Mula sa amin dito sa People’s Journal, ang aming taos-pusong pakikiramay.

Charo may bagong album at advocacy

Charo Laude
Charo Laude

PANG-MMK, “Magpakailanman” o “Tunay na Buhay” ang life story ng 44-year-old former member ng youth-oriented program na “That’s Entertainment” ni German `Kuya Germs’ Moreno on GMA, beauty queen, singer-actress at entrepreneur na si Charo Laude (Maria Charo Calalo in real life).

A mother of three children – Maria Yna Angela Uy (19), Maria Yza Thalia Uy (17) at Kevin Gabby (15).

Charo was 16 nang una siyang sumabak sa “Beautiful Girl” contest segment ng “Eat Bulaga” at seventeen naman siya nang siya’y maging bahagi ng “That’s Entertainment” ni Kuya Germs. She was in her mid 20’s when she got married to her first boyfriend, a Filipino-Chinese businessman who was 16 years her senior.

“Siya rin ang first love ko,” pahayag ni Charo.

Tumagal ng 22 years ang kanilang pagsasama pero nung 2014 ay nagkahiwalay sila.

“It was a mutual decision dahil hindi na healthy ang relasyon namin,” pag-amin ni Charo. “Meron nang physical and emotional stress at nawala na `yung love,” aniya.

But in fairness sa kanyang ex-husband ay hindi umano ito nagpapabaya bilang ama sa kanilang tatlong anak. Their eldest na si Yna stays with him now habang sina Yza at Kevin are with her.

Huminto si Charo sa kanyang showbiz career during her entire married life.

“Ayaw niya akong mag-showbiz and I was practically dependent on him,” pag-amin niya.

Si Charo ay laki sa kanyang maternal grandma. Hindi niya nasilayan ang kanyang ama magmula nang siya’y isilang. Her mother married another guy at meron siyang apat na half-siblings. When she turned 30 ay saka niya hinanap ang kanyang ama, isang Filipino-US navy na naka-base sa Guam.

“Gusto ko lamang mabuo ang pagkatao ko. Growing up, ramdam ko na may kulang sa akin. Ako ang nag-reach out sa father ko,” aniya.

Pero after two meetings with her father na may iba nang pamilya sa Guam, USA ay tuluyan nang naputol ang kanila komunikasyon.

“Di bale, at least nakita at nakilala ko ang biological father ko. Kumpleto na ang pagkatao ko,” diin niya.

Hindi nakilala ni Charo ang present wife ng kanyang ama maging ang kanyang half-siblings sa father side.

Being a single parent now, natuto si Charo sa buhay. Binalikan niya ang kanyang singing and acting career, paggawa ng commercial at pumasok sa ilang negosyo tulad ng Charmish Nail Spa, Pork Chon take-out and delivery restaurant, ang Charo Milk Tea at Simon’s Supreme Resto-Bar na matatagpuan along Tomas, Morato in Quezon City. Ito ang dating puwesto ng Ka Freddie’s (ni Freddie Aguilar).

In 2019 ay tinanghal si Charo na Mrs. Universe Philippines at naging kinatawan ng Pilipinas sa Mrs. Universe pageant na ginanap sa Guangzhou, China.

Naging contestant din siya noong 1998 sa Bb. Pilipinas.

Just very recently ay ni-launch ang kanyang debut (Christmas album) na pinamagatang “Charo Laude: “Himala’y Laganap” na sariling komposisyon ng composer and record producer na si Abe Hipolito under Alakdan Records. Ang nasabing album ay naglalaman ng iba pang Christmas songs at kasama na rito ang sarili niyang cover ng “Miss Kita Kung Christmas” na unang pinasikat ng namayapang singer and recording artist na si Susan Fuentes. Ito’y available na sa iba’t ibang digital platforms including Spotify, Apple Music at iba pa.

Alam ni Charo ang pinagdadaanan ngayon ng maraming Filipino. Bukod sa pandemya (which is global) ay nariyan pa ang sunud-sunod na bagyo na kumitil ng maraming buhay at nakasira ng libu-libong mga kabahayan at inprastraktura maging ang mga kabuhayan ng maraming tao.

“I believe in women’s empowerment at gusto ko ring makatulong at maka-inspire sa maraming tao sa pamamagitan ng “Himala’y Laganap,” pahayag pa ni Charo.

“Let’s keep the faith hindi lamang sa Diyos kundi maging sa ating mga sarili,” pagtatapos niya.

Paglipat ng maraming ABS-CBN talents sa TV5 nakaaalarma

Bobet Vidanes
Bobet Vidanes

MAY basbas kaya ang misis ng TV director-actor na si Bobet Vidanes na si Cory Vidanes, Chief Operation Officer for Broadcast ng ABS-CBN ang pagri-resign ng kanyang mister bilang longtime director ng “It’s Showtime”? Ito’y para lumipat sa pagiging consultant and director ng noontime show sa TV5 na “Lunch Out Loud” kung saan tampok ang mga (dating) Kapamilya stars and talents na sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, K Brosas at Wacky Kiray at isa sa mga produksiyon ng bagong tatag na Brightlight Productions ng businessman at dating politician na si Albee Benitez.

Kung marami ang nabigla sa pag-alis sa Kapamilya network ng longtime partners, ang director at co-founder ng Star Magic na Johnny Manahan at Mariole Alberto (ng Star Magic) at iba pang personnel ng “ASAP Natin `To,” mas lalong nagulat ang marami sa hindi inaasahang pagri-resign ni Direk Bobet na isa sa mga in-house veteran directors ng Kapamilya channel.

Nalungkot siyempre ang bumubuo ng “It’s Showtime” na eleven years nang namamayagpag sa ere na pinangungunahan ni Vice Ganda.

Bukod sa “It’s Showtime,” si Direk Bobet din ang naging co-director noon ni Johnny Manahan sa dating noontime show ni Willie Revillame, ang “Wowowee”. He also directed the local franchise ng “Pilipinas Got Talent” at “Idol Philippines” maging ang ilang game shows tulad ng “Pilipinas Game Ka Na Ba?” at iba pa.

Sa mga TV watchers, tila nakakaalarma ang isa-isang paglipat ng mga Kapamilya sa bagong tatag na TV production ni Albee Benitez.

May naniniwala naman na merong ongoing arrangement sa pagitan ng ABS-CBN at ni G. Benitez na siyang sumalo sa maraming talents at empleyado na na-displace nang ibasura ng 70 kongresista ang prangkisa ng ABS-CBN nung nakaraang July 10.

Follow Us

FOLLOW us on Instagram: Aster Amoyo and watch, subscribe, share and like “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)