Dahil sa pagsasama nila ni Julia, puwede nang magpatayo ng bahay si Joshua

February 02, 2019
Joshua Garcia and Julia Barretto
Joshua Garcia and Julia Barretto

SA loob lamang ng apat na taon matapos siyang lumabas sa “Pinoy Big Brother: All In” in 2014 ay malayo na ang narating ng ex-PBB housemate-turned singer-actor and celebrity endorser, ang 21-year-old na si Joshua Garcia na nasa pangangalaga ngayon ng Star Magic ng ABS-CBN.

Sa maikling panahon ay nakapag-impok si Joshua at nakabili na siya ng townhouse para sama-sama na sila ng kanyang pamilya. Bukod sa townhouse, pangarap din ni Joshua na makapagpatayo na isang malaking bahay for his family pero kailangan pa niyang mag-ipong muli.

Unknown to many, si Joshua ay dating miyembro ng isang cultural dance group in Batangas, ang Sining Kumintang.  Mahilig din siyang kumanta, maggitara at maglaro ng basketball.  

After PBB: All In, napanood si Joshua sa teleseryeng “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” in 2015 at ito’y sinundan ng “The Greatest Love” na pinagbidahan ni Sylvia Sanchez.

Nabuo naman ang kanilang loveteam ni Julia Barretto nang gawin nila ang hit movie na “Vince & Kath & James” na naging kalahok sa 2016 Metro Manila Film Festival  sinundan ng “Love You To the Moon and Back”.

Lumutang din nang husto ang husay ni Joshua sa pag-arte sa primetime TV series na “The Good Son” in 2017 na sinundan ng unang TV series nila Julia Barretto  na nagtapos nung nakaraang January 18, 2019.  Muli ring gumawa ng pelikula ang magka-loveteam at magkasintahang Joshua at Julia, ang “I Love You Hater” kung saan nila nakasama ang controversial host-actress at celebrity endorser-entrepreneur na si Kris Aquino.

Although wala pang sini-share na bagong project sina Joshua at Julia, nananatili pa rin ang dalawa sa pinaka-most in demand among the young stars at kasama na rito ang iba’t ibang product endorsements kaya malamang na agad matupad ni Joshua ang kanyang pangarap na makapagpatayo ng kanyang dream house sa malapit na hinaharap.