Home>Entertainment>Showbiz>Dahil walang signal sa location ng taping…Dingdong, bumiyahe ng ilang kilometro para makausap si Marian

Dahil walang signal sa location ng taping…Dingdong, bumiyahe ng ilang kilometro para makausap si Marian

Marian Rivera
Marian Rivera with kids Zia and Ziggy

Kasalukuyan pa ring nagte-taping ang cast members ng Descendants of the Sun Ph sa Rizal. Base nga sa Instagram post ni Dingdong Dantes last Monday ay one week na sila naka-lock-in doon at walang uwian. Kaya naman miss na miss na niya ang kanyang asawang si Marian Rivera at dalawang anak nilang sina Zia at Ziggy.

Ang siste ay walang signal sa kinaroroonan nila kaya kinakailangan pa niyang magbyahe ng ilang kilometro para lang makumusta ang pamilya.

“We are at Day 7 of our lock-in shoot here in Rizal to finish Descendants of the Sun PH. The initial few days of the shoot was challenging because we were all adjusting to the new protocols.

“Pero bonus talaga that the team has already established a good and smooth working relationship, kaya naging mas madali ang adjustment.

“So, today is rest day, and i had to ride a few kilometers to get some signal within the property. Kahit mahirap ang connection, it’s time to check on my family — my wife and kids, who i truly miss; @dingdong.ph , which has an ongoing dry run; and @aktorph.

“I hope that you and your loved ones are also healthy over there,” ang post ni Dingdong.

Maging ang leading lady na si Jennylyn Mercado ay nag-post din ng larawan nila sa taping kung saan ay makikitang naka-mask silang lahat at sa caption, aniya, “new normal taping! #DOTSph.”

Si Jon Lucas o si Harry Potter sa serye ay nagbahagi rin ng kanilang group photo ng Alpha Team.

“Always better when we’re together,” caption ni Jon.

Si Rocco Nacino naman ay pinost ang litrato ng kanyang uniform na may caption na “Wolf is Back. See you all soon on GMA Telebabad.”

Komento ng netizens, excited na silang mapanood ang fresh episodes at looking forward na sila para sa comeback ng Descendants of the Sun PH sa GMA Telebabad.

Publication Source :    People's Tonight