Dalawang male director pakakasal

August 24, 2019
Andoy Ranay and Noel Escondo
Direk Andoy Ranay and Noel Escondo

MATAPOS magpakasal ang dalawang writer-director and producer na sina Jun Lana at Perci Intalan ng IdeaFirst Company nung October 14, 2013 sa Bethesca Fountain in Central Park, New York, USA, dalawa ring director ang kamakailan lamang na-engaged, ang TV and movie director na si  Andoy Ranay at ang short film director na si Noel Escondo na ginanap sa isang lugar sa New Zealand. It was witnessed by their common friend na si Angelica Panganiban.  Masayang-masaya si Angelica para kina Direk Andoy at Direk Noel lalupa’t siya ang lone witness sa engagement ng dalawa.

Since hindi honored ang same-sex marriage sa Pilipinas, malamang na sa ibang bansa rin magpakasal sina Direk Andoy at Direk Noel.

Si Direk Andoy ang director ng upcoming movie nina JC Santos at Arci Muñoz, ang “Open” which is intended for the 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) next month.