Dalawang pamilya ni Ogie, nagsama muli noong pasko

December 31, 2018
Regine Velasquez, Ogie Alcasid with Michelle -van Eimeren’s family.
Regine Velasquez, Ogie Alcasid in Japan with Michelle -van Eimeren’s family.

MARAMI talaga ang naa-amaze sa kakaibang pagkakaibigan at set-up  ng dating mag-asawang Ogie Aclasid at Michelle van Eimeren and their respective new families now.

Although matagal nang hiwalay sina Ogie at Michelle at may kani-kanya nang bagong partner, they still consider themselves family.  Michelle and husband Mark Murrow would come to Manila for a vacation with Ogie and wife Regine Velasquez and the kids and vice versa.  Kung hindi man ay nagkikita-kita sila sa ibang bansa for a reunion.  Last Christmas ay dumating sa Pilipinas sina Michelle at Mark with Michelle and Ogie’s youngest daughter na si Sarah at buo ang dalawang pamilya na ipinagdiwang ang Pasko.

Sina Ogie at Michelle ay  nagkalapit nang ganapin sa Pilipinas ang 1994 Miss Universe kung saan si Michelle ang kinatawan ng Australia habang si Ogie na OctoArts talent noon ay naging mascot bilang si Manolo.  Naging kaibigan ni Ogie ang lahat ng mga Miss Universe candidates but he particularly became closer to Michelle.  Dahil dito, OctoArts big boss Orly Ilacad requested Ogie to bring Michelle to his office at kasunod na rito ang paggawa nila ng pelikulang “Manolo en Michelle: Hapi Together” na dinirek ni Mike Relon Makiling under OctoArts Films. Ang first team-up nina Ogie at Michelle ang naging daan ng kanilang love affair considering na merong non-showbiz girlfriend noon si Ogie.

In October 1995 ay ikinasal sina Ogie at Michelle sa hometown ng una, Taal, Batangas at sila’y biniyayaan ng dalawang anak na babae, sina Leila at Sarah.

Nagpagawa ng bahay si  Ogie sa Australia kung saan lumipat ang kanyang mag-iina in 2007.  Maliliit pa noon sina Leila at Sarah.  Tahimik ang naging paghihiwalay nina Ogie at Michelle. Hindi naglaon ay naging open na ang relasyon ni Ogie sa Asia’s  Songbird na si Regine Velasquez hanggang noong December 22, 2010 ay nagpakasal ang dalawa in Nasugbu, Batangas. And in November 8, 2011 ay isinilang naman ang kanilang anak na si Jonathan James na may palayaw na Nate.

Kung hindi nagbago ang pagiging close na magkaibigan ng dating mag-asawang Ogie at Michelle, ganundin ang nangyari sa pagitan nina Michelle at Regine.  Naging close din kay Regine ang dalawang anak ni Ogie kay Michelle na sina Leila at Sarah. When Michelle married her second husband, ang Australian na si Mark Murrow, dumalo sina Ogie at Regine sa Australia.  Ganundin ang ginawa nina Michelle at Mark nang ikasal sina Ogie at Regine sa Nasugbu, Batangas.    

Weird man sa iba ang family set-up nina Ogie at Regine at sina Michelle at Mark along with the kids na sina Leila, Sarah and Nate, iisa lang ang sinasabi nila rito – `we are family.’