'Damaso' sa Spain namatay

October 09, 2019

SUMAKABILANG-BUHAY na ang 46-year-old social activist, performing artist, writer at tour guide na si Carlos Celdran who was in self-exile sa Madrid, Spain magmula pa nung nakaraang January 2019.

Kung matatandaan pa, si Carlos ay naging controversial nung September 2010 nang ito’y magsuot ng costume ni Dr. Jose Rizal at may dala-dalang placard kung saan nakasulat doon ang  word na “Damaso,” ang character ng isang masamang pari sa “Noli Me Tangere” book na sinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

May malaking event noon sa loob ng Manila Catheral ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) nang biglang pumasok sa harapan ng altar si Carlos na bitbit ang placard na may nakasulat na Damaso.  Ito bale ang sarili niyang statement sa kanyang pagkondena sa pag-ayaw ng CBCP sa reproductive health bill na kanyang sinuportahan.  Dahil dito ay nasampahan siya ng kaso at siya’y  napatunayang guilty sa kasong `offending religious freedom’ ng Court of Appeals na kinumpirma ng Supreme Court.  Ito’y may sentensya ng kulong ng tatlong buwan hanggang isang taon pero minabuti niyang mag-self exile sa Madrid, Spain kung saan siya binawian ng buhay.

Ang Vice-President na si Leni Robredo ay agad nagpaabot ng kanyang pakikiramay sa pamilya ni Carlos.