Dani buntis na, ’di pa rin in good terms sa ama

June 15, 2019

MALAPIT nang magkaroon ng pamangkin si Julia Barretto sa kanyang elder (half) sister na si Dani Barretto-Panlilio dahil nagdadalang-tao ito ngayon sa magiging first baby nila ng mister nitong si Xavi Panlilio na pinakasalan niya last April 23, 2019 sa Santuario de San Antonio in Forbes Park, Makati, two months after their engagement nung February 17, 2019.
    
Ang 26-year-old na si Dani ay panganay na anak ni Marjorie Barretto sa kanyang ex-boyfriend, ang actor na si Kier Legaspi kung kanino hindi in good terms ang mag-ina.
    
Maraming netizens ang nalungkot na hindi man lamang daw inimbitahan ni Dani ang kanyang estranged father na si Kier sa kanyang kasal, isa sa pinakamahalagang araw ng kanyang buhay.