Daniel, chaperone ni Kathryn sa Los Angeles

November 30, 2018

Wala kaming masabi sa pagka-supportive boyfriend ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo.

Kasalukuyang nasa Los Angeles ang dalawa para sa premiere screening ng Three Words to Forever.

Take note na hindi kasama si DJ (Daniel) sa nasabing pelikula, mistulang chaperone lang siya.

Natatandaan nga namin na sinabi ni Kathryn sa presscon na grabe talaga ang suporta ni Daniel sa kanya sa pelikulang ito to the point na kinausap pa nito (as a gesture of support) si Tommy Esguerra, partner ng young actress sa Three Words to Forever.

Ito kasi ang first movie ni Kathryn na wala si Daniel kaya naman sobrang pag-alalay at pag-suporta ang ginawa ng young actor sa girlfriend.

Samantala, napanood na namin ang pelikula sa ginanap na block screening sponsored by Eugenio Gojo Cruz Policarpio Memorial Foundation, Inc.

For a good cause ang nasabing block screening dahil gagamitin ang proceeds sa mga scholar na pinag-aaral ng foundation.

Tatlong taon pa lang ang nasabing foundation pero nakapagpa-graduate na sila ng apat na estudyante at ngayon ay may pinapa-aral na limang college students.

Pangalawang block screening for a cause nila ito and the first one was Seven Sundays.