Daniel hinahayaan ni Karla na magdesisyon

August 26, 2019
Karla Estrada

AT 24, kaya nang mag-desisyon ni Daniel Padilla para sa kanyang sarili  pero nariyan pa rin ang kanyang inang si Karla Estrada para siya’y gabayan at bigyan ng advice kung kinakailangan.

Since binata na ang kanyang panganay na anak, hindi na nakikialam ang singer-actress-TV host na si Karla sa mga desisyon ng anak.

“Bilang ina, narito lang ako. Ang role naman ng ina sa anak ay hindi puwedeng mawala pero pagdating sa mga personal decisions niya (Daniel) ay hindi na ako nakikialam,” pahayag ni Karla na isa sa hosts ng morning program na “Magandang Buhay” kung saan niya kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.