Daniel inamin na sa kanya unang inalok ang ‘HLG’ role ni Alden

December 05, 2019
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

INAMIN ng Kapamilya matinee idol na si Daniel Padilla na inalok sa kanya ang role ni Alden Richards sa mega blockbuster hit movie na “Hello, Love, Goodbye” na dinirek ni Cathy Garcia-Molina na siya ring nagdirek ng “The Hows of Us” nila ng kanyang ka-loveteam and real-life girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Ayon kay Daniel, pagkatapos ng “The Hows of Us” ay nag-usap umano sila ni Kathryn na magpahinga muna sa paggawa ng pelikula na magkasama.  Ito ang rason kung bakit napunta kay Alden ang role that was supposed to be for Daniel.  Hindi naman ito pinagsisihan ni Daniel at natuwa pa siya for Kathryn and Alden.

Hindi rin umano niya pinagselosan si Alden kundi nahirapan umano siya na nagkalayo sila ni Kathryn nang mahigit isang buwan nitong shooting sa Hong Kong.  Hindi rin naman umano niya matawagan nang madalas si Kathryn dahil busy ito sa shooting.  It was the first time na nagkalayo sila ni Kathryn nang matagal.

Samantala, may magandang balita si Daniel sa kanilang mga fans ni Kathryn dahil malapit na silang mapanood sa kanilang bagong teleserye ngayong 2020 under Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal.  Ito bale ang kanilang follow-up sa kanilang hit primetime series na “La Luna Sangre” in 2017.  Huling nagtambal sina Kathryn at Daniel sa super hit movie na “The Hows of Us” in 2018 which broke all existing box office records until “Hello, Love, Goodbye” came along this year.

Umaasa ang kanilang supporters na muli silang makagawa ng pelikula in 2020.

Samantala, may lumalabas na balita na malamang na mag-guest si Daniel sa top-rating and longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsiyano” na pinagbibidahan at co-directed by Coco Martin.  Nagawa na rin ito noon nina Vice Ganda, Anne Curtis and Judy Ann Santos bago naipalabas sa ere ang kanyang “Starla”.

Still on Daniel, puring-puri ito ng Concert King na si Martin Nievera dahil sa pagiging grounded nito sa kabila ng kanyang estado as matinee idol at box office star.

Sina Martin at Daniel ay magkasama sa “ASAP Natin `To”.