Daniel sinorpresa si Kathryn sa hotel room

September 17, 2019
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

ANG recently-concluded ABS-CBN Ball na ginanap sa ballroom ng Shangri-La at the Fort in Bonifacio Global City, Taguig City nung nakaraang Sabado ng gabi ay pang-walong ball na na dinaluhan ng magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.  Anim na beses sa Star Magic Ball at dalawa naman under ABS-CBN Ball na kapalit ng Star Magic Ball.  Ibig lang nito sabihin na mahigit 7 years nang magkasintahan sina Daniel at Kathryn.

Samantala, muling sinorpresa ni Daniel ang kasintahan nang ito’y mag-check-in sa hotel in time for the ABS-CBN Ball.  Sobra umanong na-surprise at na-touch  si Kathryn nang datnan niya sa loob ng kanyang hotel room ang maraming  pumpon ng roses, tulips at iba pang bulaklak galing sa kanyang boyfriend.  Kaya bago pa man nagkita ang dalawa kinagabihan in time for the ball ay sobra nang masaya at inspired si Kathryn.

Hindi umano nawawala kay Daniel ang parating pagbibigay ng sorpresa sa kanyang nobya bagay na ina-appreciate naman ng Box Office Queen ng “Hello, Love, Goodbye”.