Daniel, todo suporta sa kandidatura ng ama

February 20, 2019
Daniel Padilla

BALAK pala ni Daniel Padilla na full support ang ibigay sa amang si Rommel Padilla, who is running for congressman in Nueva Ecija in the May elections.

Para sa lahat ng mga sumusubaybay ng action series na FPJ’s Ang Probinsyano, eliminated na ang karakter na ginagampanan ni Rommel.

Part kasi ng election code ruling na walang artistang kumakandidato ang pwedeng mapanood nang regular sa tv sa panahon ng pangangampanya.

No wonder that this early, preparado na rin si Jhong Hilario sa nalalapit na pag-exit niya sa series.

Actually, dalawang  programa ni Jhong ang igi-give up niya. Regular din kasi siya sa programang It’s Showtime.

Jhong is running for reelection bilang konsehal ng Makati.

Well, good luck to both of you, Rommel and Jhong.