Darna alam na, pati taga-Kapuso, nasali pa

May 13, 2019
Nadine Lustre

HINDI pa rin nire-reveal ng Star Cinema kung sino na ang kanilang final choice na  gaganap sa papel ng iconic heroine na “Darna” sa pelikula na magkahiwalay na inatrasan nina Angel Locsin at Liza Soberano sa magkaibang  dahilan.  

Lumulutang ang pangalan ng kasintahan ni James Reid na si Nadine Lustre na perfect umano sa role na Darna.  Maging ang Kapuso young star na si Bianca Umali ay lumalabas din ang pangalan.

Nariyan din si Maja Salvador.  Pero sigurado kami na may napili na ang Star Cinema maging ang magdidirek ng pelikulang “Darna” na si Jerrold Tarog pero naghihintay lamang siguro sila ng timing kung kelan nila ito ia-anunsyo.