Dating beauty queen ‘di inaamin kung si Cesar ang ama ng anak

June 29, 2020
Sandra Seifert
Sandra Seifert with son Coco

HANGGANG ngayon ay wala pa ring pag-amin mula kay Cesar Montano at dating beauty queen na si Sandra Seifert na ang actor ang ama ng 4-year-old son ng huli. Pero marami ang nagsasabi na talagang si Cesar ang ama ng bata na isinilang nung October 2015.  Ito `yung taon na kasagsagan ang relasyon nina Cesar at Sandra na nakita pang nanood ng laban nina Sen. Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa Las Vegas. Bumisita rin ang dalawa sa studio ng popular American talk show host na si Ellen DeGeneres in Los Angeles, California.

But in 2016 ay lumutang naman ang relasyon ng actor-director, producer and painter na si Cesar sa non-showbiz girl na si Socorro `Kath’ Angeles na siyang partner ngayon ng aktor kung kanino siya may tatlong anak.

Samantala, ang dating  beauty queen (2009 Miss Earth Philippines and Miss Earth first runner-up na si Sandra Seifert (36) ay natapos ng nursing sa City of New York University in New York, USA kung saan siya nakakuha ng straight A grades habang valedictorian naman siya sa European International School (Manila) nung high school.

Filipina ang ina ni Sandra na si Zenaida Suravilla at German naman ang kanyang amang si Harald Seifert.  Although siya’y ipinanganak sa Taipei, Taiwan, she took her elementary education at Montessori and St. Scholastica’s Academy in Bacolod City and continued her high school sa Brent International School at European International School.

Multi-lingual si Sandra. She can speak fluent German, English, Filipino and French and has knowledge in Spanish and Italian and can speak fluent Hiligaynon (Ilonggo) na siyang local dialect ng kanyang mommy.

When she was still in high school ay active athlete si Sandra.  She played basketball and volleyball and a competitive swimmer.  Nakapag-uwi rin siya noon ng silver medal para sa Pilipinas sa swimming competition ng South-East Asian Games na ginanap noon sa Jakarta, Indonesia.  She became a model and a beauty queen.

Bukod sa kanyang almost five-year-old son na si Coco, si Sandra ay may tatlong kapatid na pawang lalake – sina Stefan, Mark at Michael Seifert.  She is raising her son by herself sa tulong ng kanyang pamilya.