Dating bold star nagsikap sa buhay

March 08, 2019
Katrina Paula, Nicole Anne Yap and Athens Yap
Katrina Paula and daughters Nicole Anne & Athens Yap

MULA sa El Calle and Music Hall ay tumuloy kami ng coffee shop ng Maxim’s ng RSW for our very late dinner at para hintayin na rin ang 12 midnight para sa birthday (March 8) ng niece kong si Ma. Lorena Esperas na kasama naming nanood ng “Ang Huling El Bimbo” along with my daughter Aila Marie and another niece na si Glenda Esperas.

While we were having our late dinner ay nakita namin ang dating sexy star na si Katrina Paula kasama ang dalawa sa kanyang apat na anak, ang panganay niyang si Nicole Anne Yap (24) na isa nang piloto at si Athens Yap (22) na isa na ring news reporter sa isang tabloid.

Si Katrina ay may tatlong anak sa yumaong businessman na si Anthony Yap. Ang kanyang third child ay si Alcindor Yap (14) habang ang kanyang bunsong anak na si King Richmond Dominguez (9) ay anak naman niya sa nakakulong ngayon na si Raymond Dominguez sa kasong carnapping. Ani Katrina, matagal na umano siyang hiwalay dito.

Si Katrina ang tumulong sa kanyang nakulong na kaibigan, ang dati ring sexy star na si Sabrina M. na makapaglagak ng piyansa.

Sa raming pagsubok na pinagdaanan ni Katrina ay natuto siyang maging matatag at tumayo on her own para maigapang ang kanyang apat na anak.

Ayon kay Katrina, madalas umano siyang magtungo ng Japan dahil tumutulong umano siya sa mga Japanese businessmen na gustong mag-invest ng negosyo  sa Pilipinas.

Dahil sa sarili niyang pagsisikap, nakapagpatayo na siya ng 21-door apartment unit in Munoz, Quezon City at ang income pa lamang ay renta ay sapat na umano na mabuhay sila nang maayos ng kanyang mga anak. Gayunman, hindi umano siya tumitigil sa paghahanap-buhay kahit tapos na sa kanilang pag-aaral ang dalawa niyang anak.