Dating fan makakasama ang idol sa 'Iconic' concert

October 08, 2019

ANG unang special guesting ng megastar na si Sharon Cuneta sa “Regine at the Movies” series of concerts ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez  na ginanap sa New Frontier Theater last November led to Asia’s Songbird teaming-up with the Megastar in a two-night concert at the Big Dome (Araneta Coliseum) billed as “Iconic” on October 18 &19, 2019.

Hindi ikinakaila ng misis ni Ogie Alcasid na big fan umano siya noon ni Sharon nang sumikat ang kanta nitong “Mr. DJ” na kinakanta-kanta na umano niya noon.  There were times na sumasama siya sa nanay niya sa palengke para lamang makabili ng mga pictures ng kanyang idolong si Sharon. Little did she know na pagkatapos ng mahigit tatlong dekada ay magsasama pala sila sa isang entablado.

As early as June this year ay nagsimulang mabuo ang co-equal billing concert nina Sharon at Regine, ang “Iconic” na inaasahang magiging makasaysayan sa concert scene.

Hindi lamang sina Sharon at Regine ang excited sa kanilang first team-up sa concert stage kundi maging ang kanilang respective families and friends lalung-lalo na ang kanilang mga supporters all these years.