Dating 'pokpok,' worship leader ng simbahan

May 23, 2019

SA isang Instagram post, ipinakita na hindi nalilimutan ni Rita Daniela na lahat ng tagumpay na meron siya ay galing sa Diyos kaya naman walang tigil ang buhos ng blessings sa kanyang buhay. At lingid sa kaalaman ng iba, ang Kapuso star na kilala sa kanyang breakout role bilang 'pokpok' na si Aubrey sa GMA Afternoon Prime series na 'My Special Tatay' ay isang worship leader ng kanilang simbahan.

Samantala, sa mga hindi nakanood ng live sa kanilang concert ni Ken Chan sa Music Museum, ipapalabas ito ngayong Linggo, Mayo 26, sa GMA Sunday Night Box Office (SNBO).

Digitally-restored movie nina Judy Ann at Piolo, muling mapapanood

MULING matutunghayan ang kilig na dala ng tambalan nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos dahil mapapanood na sa ABS-CBN sa unang pagkakataon ang digitally restored version ng pelikula nilang “Bakit ‘Di Totohanin” ngayong Linggo (Mayo 26) sa Sunday’s Best.

Kasama rin sa pelikula sina Johnny Delgado, Epy Quizon, at Gloria Romero. Sa ilalim ito ng direksyon ni Boots Plata.

Ang digitally restored version ng “Bakit ‘Di Totohanin” ay mula sa proyekto ng ABS-CBN Film Restoration kasama ang Central Digital Lab na naglalayong i-remaster ang piling Filipino films upang patuloy itong matunghayan ng mga susunod pang henerasyon ng mga manonood. Ilan nga sa mga pelikulang na-restore ng proyekto ay “Himala,” “Oro, Plata, Mata,” at “Kakabakaba Ka Ba?”