Dating waiter, may-ari na ng maraming restaurant

June 18, 2019

ANG 41-year-old actor and successful restaurateur na si Marvin Agustin ay isang magandang ehemplo sa mga kabataan dahil ipinakita niya ang kanyang pagpupursige para lamang mapaganda ang takbo ng sariling buhay at ng kanyang pamilya.

Malayo na ang narating ng dating waiter ng Tia Maria Mexican restaurant in Alabang kung saan siya na-discover bilang artista.

Na-enjoy man ni Marvin ang pagiging matinee idol nang pumutok ang tambalan nila ni Jolina Magdangal, dumating din sa point na naging matumal ang TV and movie offers at dito niya nakita ang opportunity na makapag-aral. He took up culinary course na naging daan ng pagpasok niya sa restaurant business.  Nagpatuloy din siya ng pag-aaral sa Ateneo School of Business at sa Asian Institute of Management para matutunan ang pagma-manage ng kanyang napakaraming restaurant business ngayon.  Pero hindi pa rin iniwan ni Marvin ang kanyang first love, ang pagiging isang actor.

A single father of twins Santiago and Sebastian (courtesy of his ex-girlfriend Tetet Dy mula sa isang kilalang politicial clan in the North), si Marvin ay isa sa mga sought-after bachelor.

Since freelancer na ngayon si Marvin, he can work with both ABS-CBN and GMA.  Katatapos lamang siyang mapanood sa TV series na “Inagaw na Bituin” ng Kapuso network.