David Archuleta tahimik na nagkaroon ng concert sa 'Pinas

November 16, 2018

WALANG kaabug-abog na muling dumating sa Pilipinas for a charity concert at the New Frontier Theater (formerly KIA Theater) last Friday, Nov. 16 ng gabi ang 2008 second runner-up sa “American Idol,” ang singer-recording star at actor na si David Archuleta.

Balik na naman si David sa paghatid ng kanyang bagong albums, pagku-concert matapos itong humingi ng dalawang taong pahinga sa music and concert scene para tuparin ang kanyang pagiging Missionary of the Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints in Chile.

Ang Pilipinas ay isa sa mga paboritong puntahan ni David dahil sa pagiging hospitable and warm ng kanyang Filipino fans.

Natuwa rin si David nang kanyang malaman na magkakaroon ng local version ang American Idol, ang Idol Philippines na malapit nang mapanood with Asia’s Songbird na si Regine Velasquez as one of the judges.  Si Regine ay isa sa mga hinahangaang Filipino singers ni David ganundin ang mister nitong si Ogie Alcasid na siyang kumanta at nagpasikat sa awiting “Nandito Ako,” isa naman sa mga favorite Filipino songs ni David na gustong-gusto niyang kantahin.

Hindi naman kaya isa si David sa magiging judge ng Idol Philippines ng ABS-CBN?

Bukod sa teaser ng “Idol Philippines,” wala pang ibinibigay na detalye ang Kapamilya Network na may kinalaman sa soon to air na singing reality show.

Ang Pilipinas ay pag-35th country na nakakuha ng local franchise ng “American Idol” at pang-anim in Asia.  Ang American singing competition TV series was created by Simon Fuller and produced by Fremantle North America and 19 Entertainment which initially aired on Fox Channel nung June 11, 2002 hanggang April 7, 2016 na umabot sa ika-15th season.  Nung nakaraang March 11, 2018 sa ika-16th season ng programa ay sa ABC na ito napapanood.  Ang mga original judges ng “American Idol” ay sina Simon Cowell, Paula Abdul at Randy Jackson hanggang sa magkaroon na ng iba’t ibang set of judges tulad ng iba pang music icons tulad nina Keith Urban, Jennifer Lopez at Harry Connick, Lionel Richie, Katy Perry at Luke Bryan at iba pa hosted by Ryan Seacrest and comedian na si Brian Dunkleman.

Sino kaya kina Luis Manzano at Billy Crawford ang maghu-host ng “Idol Philippines” at sinu-sino ang mga tatayong hurado bukod kay Regine Velasquez?