David nag-propose na kay Gwen

May 12, 2019

NAG-PROPOSE na ang TNT Ka Tropa basketball player na si David Semerad sa kanyang fiancée na si Gwen Zamora na itinaon niya sa gender reveal ng kanilang magiging first baby na isang boy.  Ito’y ginanap sa Mr. A’s Bar in Pasay City nung nakaraang Biyernes ng gabi, May 10 na dinaluhan ng kanilang respective families at malalapit na kaibigan.  Second time na ito ni Gwen na ma-engaged.  Una sa actor-politician na si Jeremy Marquez (anak ng actor-comedian at dating politician na si Joey Marquez).  The two got engaged in October 2015 and supposed to get married in December 2016 pero biglang nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.  It was last year nang maging official na magkasintahan nina Gwen at ang Australian-born cager na si David Semerad na sinundan this year ng kanilang announcement ng pagdadalang-tao ni Gwen sa kanilang magiging first baby.

Bago si Gwen ay  naging kasintahan ni David ang 2011 Miss World Philippines and Miss World 1st Princess na si Gwendoline Ruais.

Si David ay twin brother na isa pang cager na si Anthony Semerad na ang kasintahan naman ay ang actress-model at entrepreneur na si Sam Pinto.