Home>Entertainment>Showbiz>Deborah kay Direk Cloyd: Namatay siyang walang-wala

Deborah kay Direk Cloyd: Namatay siyang walang-wala

ANG veteran actress na si Deborah Sun (Jean Louise Porcuna Salvador) ang nagbalita sa amin na namatay ang kanyang kaibigang actor-director na si Cloyd Robinson na walang-wala dahil matagal na itong walang trabaho. Ni hindi na nga raw nabili ni Cloyd ang kanyang maintenance meds sa kawalan ng pera.

Ayon kay Deborah, ka-text pa umano niya ang actor-director nung umaga ng August 31 bago ito inatake sa puso kinagabihan.

“Katulad ko rin siya (Cloyd) na walang-wala,” pag-amin ni Deborah na isa sa mga anak ng yumaong actor-director na si Leroy Salvador, Jr. at half-sister ng actress na si Jobelle Salvador.

Si Deborah ay dalawang beses na ring nakulong na may kinalaman sa estafa at droga.

Isa sa mga anak ng veteran actress si Jam Melendez, half-sister ni Aiko Melendez sa namayapang amang actor na si Jimi Melendez.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger